Naka-toga, tumatanggap ng diploma... Robot, proxy sa graduation sa Taguig

May 23, 2020

 

Para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19, mga robot na nakasuot ng toga ang kumatawan sa mga estudyanteng nagsipagtapos sa Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial (SRCC) Science and Technology High School sa Taguig City at sa lahat ng public elementary at secondary high school ng Batch 2020.
 

Photo: Taguig PIO

 

Ang mga nasabing robot ay gawa mismo ng mga estudyante o tinaguriang ‘whiz kids’ ng SRCC, ang Taguig Robotics Team.
 

Imbes na tunay na estudyante, ang ‘toga-wearing robots’ na pinapatungan ng mukha ng graduates ang makikita sa live video na tumatanggap ng diploma.
 

Kasabay nito, makikita naman sa LED screen display ang pamilya ng gumradweyt.
 

Sinundan naman ito ng katulad na cyber-graduation ceremonies sa 24 pang public elementary at 12 public high schools.
 

“We know how deeply symbolic a graduation ceremony is for graduates and their parents. This is why we came up with a program that can help them celebrate their accomplishment while respecting health standards and policies during the COVID-19 community quarantines,” ani Mayor Lino Cayetano.
 

Ang cyber-graduation ay nagmula sa Taguig City Education Office at Taguig Robotics Team, isang grupo ng SRCC students na nagwagi ng ilang gold medals sa international tilts sa na-develop nilang apat na remote-controlled robots na gawa lamang sa recycled materials.
 

Samantala, sinabi ng alkalde na ang 12,931 Grade 6 graduates ay makatatanggap ng tig-P1,000; tig-P1,500 naman para sa 3,276 students na nagtapos sa Grade 12.
 

Sa mga estudyanteng nagpakita ng academic excellence naman, tatanggap ang top 1 ng 24 public elementary schools at 13 public high schools ng tig-P15,000; ang top 2 ay P12,500.
 

Ang top 3 hanggang top 10 ay may makukuha ring tig-P5,000 sa Grade 6; at P7,500 sa Grade 12.
 

Sa mga nangunang pupil sa kanilang section ay makakakuha rin ng tig-P2,500 na may kabuuang 269; habang ang Grade 12 na nasa 77 naman ay may tig-P5,000.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr