Naka-e-bike na medical frontliner, sapol sa armored van sa EDSA

May 23, 2020

 

Isang medical frontliner ang sugatan nang mabangga ng armored vehicle sa Makati City, kaninang umaga.

 

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente alas-11:23 ng umaga sa southbound lane ng EDSA Magallanes.

 

Sa panayam sa rumespondeng rescuer na si Neil Palermo, pauwi na sakay ng e-bike ang 39- anyos na babaeng biktima sa Pasay City mula sa duty sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City.

 

Pumailalim ang e-bike ng biktima sa armored car at nagtamo ng sugat sa kaliwang braso.

 

May malay naman ang biktima na dinala ng Philippine Red Cross sa St. Luke’s, habang iniimbestigahan naman ng Makati Traffic Bureau ang driver ng armored van.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr