NBA Coach Jerry Sloan pumanaw na

May 23, 2020

 

Pumanaw noong Biyernes si Coach Jerry Sloan, isa sa pinakamatagumpay na coach sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA) sa edad na 78 bunga ng Parkinson’s Disease at Lewy Body Dementia.  Nakilala si Coach Sloan sa kanyang panahon sa Utah Jazz mula 1988 hanggang 2011 at nakapasok ang koponan ng dalawang beses sa NBA Finals noong 1997 at 1998.

 

Ang dalawang pagkabigo ng Jazz ay sa kamay ng Chicago Bulls, ang unang koponan na hinawakan ni Coach Sloan mula 1979 hanggang 1982.  Naglaro din siya para sa Bulls mula ng itatatag ang prankisa noong 1966 hanggang 1976 at siya ang kinikilalang unang superstar ng koponan bago dumating si Michael Jordan.

 

Ang bigating tambalan nina point guard John Stockton at forward Karl Malone ay lalong umusbong sa gabay ni Coach Sloan.  Matapos mag-retiro ang dalawa, tinuloy ni Coach Sloan ang kanyang gawain sa susunod na henerasyon ng Jazz.

 

Si Coach Sloan ay pang-apat sa may pinakamaraming pinagsamang panalo na 1,221.  Numero uno sa listahan si Don Nelson (1,335), pangalawa si Lenny Wilkens (1,332) at pang-apat ang aktibo pang si Gregg Popovich ng San Antonio Spurs (1,272).

 

Nahalal si Coach Sloan bilang kasapi ng Naismith Basketball Hall of Fame noong 2009.  Ang kanyang numero 4 ang unang numero na rinetiro ng Bulls.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr