Mga employer, puwedeng mag-delay ng double pay — DOLE

May 23, 2020

 

Maaaring maantala ang pagtanggap ng mga empleyado ng kanilang double pay ngayong Lunes, Mayo 25, na deklaradong national holiday.

 

Ito ay matapos mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang nagsabi na maaaring i-delay o hindi agad ibigay ng employer ang bayad sa mga empleyado na papasok sa Lunes, na natapat sa pagtatapos ng Ramadan.

 

Paliwanag ni Bello, hanggang ngayon ay maraming negosyo ang limitado ang operasyon dahil sa epekto ng enhanced community quarantine dahil sa covid-19.

 

Sa ilalim ng batas, ang mga manggagawa na papasok sa araw ng national holiday ay dapat makatanggap ng double pay o 200% ng kanyang arawang sahod.

 

Habang ang mga hindi naman papasok ay dapat na tumanggap pa rin ng 100% ng kanilang daily rate.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr