Manloloko at user-friends, nakapaligid sa Wood Dragon dahil pagtatangkaang dayain at lokohin

May 23, 2020

Forecast 2020

  

 

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Dragon ngayong Year of the Metal Rat.

 

Tandaang ayon sa taglay na elemento, may limang uri ng Dragon at ito ay ang mga sumusunod:

 

  • Earth Dragon o Lupang Dragon - silang mga isinilang noong 1928 at 1988

  • Gold o Metal Dragon, na tinatawag ding Gintong Dragon - silang mga isinilang noong 1940 at 2000

  • Water Dragon o Tubig na Dragon - silang mga isinilang noong 1952 at 2012

  • Wood Dragon o Kahoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1904 at 1964

  • Fire Dragon o Apoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1916 at 1976

 

Noong mga nakaraang araw, tinalakay natin ang Earth, Metal at Water Dragon, ngayon naman, ang ating tatalakayin ay ang kapalaran ng Wood Dragon o Kahoy na Dragon.

 

Sa maingat na pakikipagkapwa-tao nakasalalay ang iyong ikatatagumpay at kabiguan ngayong 2020. Kapag naging maingat ka sa pakikipagkaibigan at pakikipagtransaksiyon, malaking halaga ng salapi ang iyong maide-deal. Ibig sabihin, kapag pinairal mo ang katalinuhan sa halip na emosyon, anumang transaksiyon na iyong mapapasukan, malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain nang tuluy-tuloy. ‘Yun nga lang, may babala na dahil malalaking halaga ng salapi ang mahahawakan mo, aaligid din sa iyo ang mga taong manloloko at mandaraya. Kaya naman, hindi ka dapat magpauto o magpabola sa mga taong matatamis ang dila dahil ang malaking halaga na kikitain mo ay may babala na mawala ring parang bula. Dapat kapag kumita ka ng malaking halaga, itago mo na agad ito at gawing savings at ‘wag nang pagtangkaan pang i-invest o ipuhinan, higit lalo kung ang nag-aalok ng investment ay lalaking pandak na bilugan ang pangangatawan dahil sila ang mga taong maaaring manloko o mandaya sa iyo ngayong 2020.

 

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, mas magiging maayos at maligaya ang pakikipagrelasyong papasukin mo kung ipakikita mo ang tunay mong sarili at ugali. ‘Ika nga, kapag naging totoo ka sa iyong sarili, ibig sabihin ay wala kang itinatago. Ang mga pagpapala at ligaya sa anumang relasyon na kasalukuyan mong hawak at maaaring may dumating pa ay tiyak na magiging maligaya at panghabambuhay na.

 

Kaya naman ngayong Year of the Metal Rat, bawal sa iyo ang maging plastic o mapagkunwari. Sa halip, ang diskarteng makapagbibigay sa iyo ng tagumpay at ligaya hindi lamang sa pakikipagrelasyon at pakikisalamuha sa kapwa ay ang pagiging totoo mo, natural at walang halong kaplastikan. Tunay kapag naipakita at naipadama mo sa iyong mga kasama ang tunay mong pagkatao, hindi lamang biyaya at pagpapala ang makakamit mo dahil tiyak na dadapuan ka rin ng iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran.

 

Sa pangkalahatan, tulad ng nasabi na, iwasan mong maging magastos at ang mga nagpapanggap na mga kaibigan at nagbabait-baitan dahil sila ang maaaring mandaya sa iyo. Sa sandaling naitabi mo agad ang malaking halaga na mahahawakan mo, ito ay madodoble at mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang mahihigop mo sa buong taon.

 

Muli, sa larangan ng emosyon at aspetong pandamdamin, habang ikaw ay nakikisalamuha, madali kang mauunawaan ng mga makakasama mo basta’t naramdaman nilang ikaw ay totoo dahil talaga namang masarap kang kasama at kaibigan, kaya nga kung lagi kang ganyan, ang pagkatao mong ito na likas na suwerte sa last quarter ng 2020, ang siya ring hihigop ng masasarap at maliligayang karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, na maghahatid pa sa iyo ng hindi inaasahang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran bago matapos ang taon.

 

Itutuloy

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr