Mahigit 6,000 nagpositibo sa COVID-19, hindi pa kumpirmado — DOH

May 23, 2020

Umaabot na sa mahigit 19,000 ang mga indibidwal na nasuring nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ngunit nasa mahigit 13,000 pa lamang sa mga ito ay maituturing na kumpirmadong kaso.

 

Sa tala ng Department of Health (DOH) noong Mayo 20, 2020, nasa 19,321 ang positive cases ng COVID-19 ngunit 13,221 ang confirmed cases.

 

Ang mga positibong indibidwal ay ang dumaan sa polymerase chain reaction (PCR) testing na naproseso ng lisensiyadong COVID-19 laboratories.

 

Ibig sabihin, mayroong 6,100 na mga positibo sa virus infection ang dumaraan pa sa proseso ng validation.

 

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangang idaan sa validation process ang lahat ng mga nagpositibo sa virus.

 

“Ang validation po ng confirmed cases ay isang mahaba at masalimuot na prosesong kinakailangan pinaglalaanan ng mahabang oras upang masiguro na tama ang impormasyon at datos na ating inilalabas,” ayon kay  Vergeire.

 

Kasama aniya sa validation process ang pangangalap ng impormasyon ng pasyente mula sa iba't ibang sources tulad ng mga ospital.

 

“Sa bawat step ng flow na 'yan hindi mawawala ang risk na maaaring magkaroon ng error sa information and data dahil sa iba’t ibang uncontrollable factors,” dagdag nito.

 

Sinabi ni Vergeire na habang lumalaki ang testing capacity ay lalong nagkakaantala sa proseso ng validation.

 

“Habang tumataas po ang bilang ng mga kasong pumapasok mas dumadami ang kailangang i-encode ng ating DSOs sa information system,” ani Vergeire.

 

Kulang din aniya ang disease surveillance officers (DSOs) para i-monitor ang mga kaso, mag-encode ng case investigation forms (CIF), at mag-upload ng data.

 

Tinukoy din nito ang posibilidad na may duplicate o nauulit na pangalan tulad ng Juan dela Cruz at Juan de la Cruz na kailangang idaan sa masusing pag-check sa mga indibidwal.

 

"Ang mga ganitong bahagyang kaibahan sa mga pangalan ay hindi lang po paminsan-minsan nangyayari. Marami pong beses itong nae-encounter ng mga officers na nagsasagawa ng validation kaya tumatagal po ang proseso ng pagba-validate," dagdag pa ni Vergeire.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr