Madilim at maliit na daanan, simbolo na papunta sa masaganang buhay

May 23, 2020

Socrates Magnus

  

 

Salaminin natin ang panaginip ni Presie na ipinadala sa Facebook Messenger.

 

Dear Professor,

 

Naglalakad ako sa madilim at maliit na daan. Takot ako pero naglakad pa rin ako hanggang makarating ako sa kanto. Maliwanag doon dahil may ilaw ang poste at maraming tao.

 

Pagbibiro ng kaibigan ko, mamamatay na raw ako, pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? Salamat!

 

Naghihintay,

Presie

 

Sa iyo Presie,

 

Huwag kang matakot, sa halip, dapat kang matuwa at magalak. Ganito ang nasusulat, “Ang masikip at madilim na daanan ay papunta sa kaharian ng langit.” Ang mga salitang ito ay panrelihiyon, pero kapag sa normal na buhay ng tao, ang kaharian ng langit ay papalitan ng tagumpay o masaganang buhay.

 

Sabi pa sa nasusulat, “Ang maluwag at madaling lakaran ay daan ng kapahamakan.” Madali lang naman malaman kung ito ay totoo dahil ang dami ng ating nakikita at nasasaksihan na ang mga taong pumili sa madaling lakaran na daan ng buhay ay mga nabigo at ang iba ay yumaman, pero wala ring nangyari sa kanilang yaman.

 

Kaya sabi ng iyong panaginip, sa kasalukuyan ay dumaraan ka sa landas ng buhay na ang dulo ay kasaganaan. Magtiis-tiis ka muna dahil masikip at madilim ang daan ng tagumpay.

 

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr