Maaari bang kunin ang mga apo sa manugang na nag-asawa ng iba?

May 23, 2020

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

  

Dear Chief Acosta,

Ang awtoridad bilang magulang sa aking mga apo ay nanatili sa aking manugang noong namatay ang aking anak. Hindi kalaunan ay muling nag-asawa ang aking manugang at ayaw ko sa ugali ng bago niyang napangasawa. Nangangamba ako sa kapakanan ng aking mga apo kaya nais kong makuha ang awtoridad bilang kanilang magulang. Mananatili ba ang awtoridad bilang magulang ng aking manugang sa aking mga apo kahit na mayroon siyang bagong asawa? – Mila

 

Dear Mila,

Ang inyong katanungan ay binigyang linaw sa Article 212 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na: 

 

“Article 212. In case of absence or death of either parent, the parent present shall continue exercising parental authority. The remarriage of the surviving parent shall not affect the parental authority over the children, unless the court appoints another person to be the guardian of the person or property of the children.” (Binigyang-diin)

 

Malinaw na sinasabi ng ating batas na ang pag-aasawa muli ng inyong manugang ay hindi makaaapekto sa kanyang awtoridad bilang magulang sa inyong mga apo. Dahil dito, mananatili ang awtoridad bilang magulang sa inyong manugang, maliban kung ang hukuman ay magtatalaga ng ibang tao upang maging tagapag-alaga ng inyong mga apo o ng kanilang pag-aari.

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr