Join pa naman sana sa international filmfest… JANINE, NAWALAN NG MGA PELIKULA DAHIL SA COVID-19

May 23, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speaking

  

Naniniwala si Janine Gutierrez na health ang dapat na top priority sa panahon ngayon kung kailan lumalaganap ang nakakabahalang sakit na COVID-19.

 

Pag-amin ng Kapuso actress sa kanyang eksklusibong panayam sa Kapuso Network, ilang pelikula niya ang naapektuhan dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine at isa na rito ang sasali sana sa isang international film festival.

 

Naka-schedule sanang opening day noong April 11 ang kanyang pelikula kasama si Paulo Avelino na pinamagatang Ngayon Kaya na kalahok sa summer film festival.

 

Bukod sa cancelled trips niya sa Japan at Bangkok, pati na rin ang mga naantalang taping, mas nangingibabaw kay Janine ang pagbibigay-importansiya hindi lang sa kanyang kalusugan kung hindi maging sa lahat ng nakakasalamuha niya.

 

"Cases are still rising, 'di ba? So, parang mahirap talaga mag-shoot, eh. We don't know yet kung ano'ng magiging precautions ng network or ng mga production companies," pahayag ng aktres.

 

Kasalukuyan namang inaayos na ang mga guidelines sa muling pagbabalik ng produksiyon ng telebisyon at pelikula sa ilalim ng tinatawag na ‘new normal’ dulot ng kinakaharap na pandemya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr