JENNYLYN AT DENNIS, TODO-ENJOY MAGKASAMA SA BAHAY HABANG LOCKDOWN

May 23, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speaking

  

 

Kahit naka-quarantine sa bahay, busy pa rin ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo.

 

Sa katunayan, si Jennylyn mismo ang punong-abala sa kanyang cookie business.

 

Aniya, “Wala naman kasing puwedeng mag-handle nu'n, so sa ngayon, ako 'yung naghahawak ng mga orders, tapos delivery. Happy naman ako na ako 'yung humahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis.”

 

Bukod dito, pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon. Kuwento pa ni Jen, happy at proud siya dahil natupad ang pangarap niyang maging baker dahil sa pamamalagi sa bahay habang lockdown.

 

Kaya naman siya mismo ang nag-bake ng birthday cakes nila ni Dennis para sa kanilang nakaraang kaarawan.

 

“Ngayon, halos wala namang nagbebenta ng cake, so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya, tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi 'yung carrot cake,” sey ni Jen.

 

Maging si Dennis ay nahilig na rin sa pagbe-bake katulad ni Jen, “Mahilig kaming manood ng videos online, so naghanap kami ng mga recipes para gumawa ng mga sarili naming cake saka mga pizza, tinapay.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr