IVANA, KILIG TO THE BONES KAY DJ LOONYO

May 23, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

 

Kung pagbabasehan ang milyun-milyong followers ng sexy star na si Ivana Alawi, malakas ang laban niya sa Search for Top 100 Beautiful Faces 2020.

 

Tiyak na hindi siya pababayaan ng kanyang mga fans and supporters, idagdag pa ang mga fans ng BF niyang si DJ Loonyo.

 

Patok na patok sa social media ang tandem na LooVana Forever na binuo ng kanilang mga tagahanga. Match na match sina Ivana at DJ Loonyo dahil pareho silang malakas ang hatak.

 

Si Ivana ang bagong pantasya ng kalalakihan samantalang si DJ Loonyo naman ay patok na patok sa musika sa mga millennial, ganu'n din sa mga bagets.

 

It seems tanggap naman ng pamilya ni Ivana ang sikat na DJ/rapper. Kasundo rin ito ng younger sister ni Ivana na si Mona Louise Rey at kapansin-pansin din ang kakaibang glow at spark kay Ivana kapag nababanggit ang pangalan ni DJ Loonyo.

 

Matagal na kasi silang magkakilala ng DJ/rapper at komportable na si Ivana na makasama ito. Natutuwa rin siya sa suporta ng kanilang mga fans sa LooVana Forever tandem.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr