Fil-Jap Karateka posibleng mag-kuwalipika sa 2021 Tokyo Olympics

May 23, 2020

 

Posible pa ring mag-qualify ang Filipina-Japanese karateka na si Junna Tsukii sa Tokyo Olympics kung matuloy ito sa susunod na taon.

Ito'y kasunod ng ginawang anunsiyo ng World Karate Federation (WKF) ng mga pagbabago sa kanilang itinakdang Olympic qualification system pagkaraan ng naging postponement ng pagdaraos ng quadrennial meet ngayong taon at maurong sa Hulyo 2021 dulot ng coronavirus pandemic.

Dapat ay  sasabak ang national karateka sa Karate 1-Premier League sa Rabat, Morocco bilang qualifier ngunit kinansela ito ng mga lokal na awtoridad doon sanhi ng COVID-19.

Kaugnay nito, plano ng WKF na gawing kapalit ng nakanselang torneo ang 2021 edition  nito.

Maaaro ring makakuha ng qualification points ang  2019 Southeast Asian (SEA) Games gold medalist sa 2020 Karate World Championships na nakatakdang idaos sa Nobyembre sa Dubai ngunit posibleng iurong na ito sa Enero 2021 kung tatagal pa ang kasalukuyang health crisis.

"I have one premier league and a world championship which I can join for the Olympic selection," pahayag ni Tsukii na kasalukuyang no.9 sa world ranking ng  women's -50kg kumite category.

"The world championship, in particular, is the biggest opportunity for me to improve my world rankings since it offers the most points. So I have to train more because I see a big chance for me there," dagdag nito.

Nakatakdang pagsamahin sa  Tokyo Olympics ang -50kg at -55kg categories, sa unang stage ng qualification at pipiliin ang dalawang highest-ranked sa bawat  standard WKF weight class habang may tig-isang slot para sa bawat national Olympic committee.

Posible ring mag-qualify si Tsukii sa second stage sa pamamagitan ng Olympic qualifying tournament kung saan ang top 3 sa bawat Olympic event ay awtomatikong uusad sa Olympics.

Huling tsansa ni Tsukii para mag-qualify  ay sa pamamagitan ng continental representation kung saan pipili ng dalawa sa Asia buhat sa 8 Olympic karate events.

Hihirangin ng WKF ang highest-ranking athlete mula sa mga gold medalists ng bawat continental games at syang pagkakalooban ng Olympic slot.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr