ECHO, PROUD NA DATING BASURERO AT BARKER BAGO NAGING SIKAT NA ARTISTA

May 23, 2020

Beth Gelena / Bulgary Files

  

 

Sa Facebook page ni Jericho Rosales ay ikinuwento niya kung saan siya nagsimula.

 

"I didn't have the ideal life situation, but I had a dream," simula ni Echo na hindi nahiyang sabihing nagmula siya sa mahirap na pamilya at lumaking mahirap.

 

“I came from a poor family, went to 6 public schools in elementary and high school. Didn’t go to college because I didn’t know what career meant and we simply could not afford it," ayon sa kanyang Facebook story.

 

Lahat ng hanapbuhay na puwede niyang gawin para pagkakitaan ay kanyang pinapatulan may makain lang daw silang pamilya.

 

"When I was young I collected discarded wires and old newspapers to be sold in junk shops in exchange for money and sometimes cheap cheese curls."

 

Dugtong pa niya, "I collected plastic trash from a dumpsite with my cousin. I sold ice buko (frozen coconut water with milk and sugar), sold fish in the market, became a jeepney 'barker,' a pizza boy and a driver."

 

At dahil sa kanyang pangarap at faith kay God, natuto siyang pahalagahan ang mundong ginagalawan.

 

Hindi siya nagpadala sa mga insecurities sa buhay. Nilabanan niya ang hamon ng buhay hanggang sa unti-unti ay nakaalpas na siya sa hawlang ginagalawan.

 

Sumali siya sa Mr. Pogi contest ng Eat… Bulaga! sa GMA-7 kung saan siya ang naging grand winner.

 

Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral, inamin ni Echo na kaya mahusay siya sa English ay dahil lagi siyang nanonood ng foreign movies at maging ng mga TV shows.

 

Kuwento ng aktor, "Forcing myself to read and talking to people gave me wonderful ideas and opened my eyes to new possibilities with a clearer vision for my life.”

 

Ayon sa Kapamilya actor, kaya niya ibinahagi ang kanyang pinagmulan ay para ma-encourage ang iba na tuparin ang kanilang mga pangarap kung meron man.

 

Pagbabahagi pa ng aktor, "(I) think a lot of us have stopped dreaming and reaching our goals because of the negative factors around us — poverty, lack of support and the additional uncertainty we get from this pandemic. Or at least we deeply questioned them. Our tomorrows are filled with questions and cares. It is natural for us to think that way. We all are going through this and it is very hard."

 

Pero dapat daw ay tandaan ng lahat na "What we have in our hands is now."

 

Hindi naman daw mababago ang bukas, kailangan lang na umpisahan sa sarili para matupad ang pangarap.

 

"It can change your tomorrows. Shaping it starts the moment you tell yourself 'This is my tomorrow.'

 

"So, keep dreaming, keep hoping and keep moving. You are made to be something and a someone for another. I wish all of us a bright future and I’ll do my part to make that happen."

 

Matalinghagang salita ang huling iniwan ng aktor sa kanyang FB story.

 

"'Di mo kailangan ng tsinelas sa dagat ng pangarap."

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr