Bakuna laban sa COVID-19 na sinubukan sa tao, safe at nakapagpabilis ng immune response

May 23, 2020

 

Sa kauna-unahang pagkakataon sinubukan sa tao ang bakuna laban sa covid-19 ng CanSino Biologics Inc sa China. 
 

Batay sa ulat, nang subukan sa isang tao ay lumitaw na ligtas at nakapagpabilis ng immune response laban sa virus.
 

 

 

Lumitaw sa blood samples ng karamihan sa 108 na binakunahan ay ang pagkakaroon ng antibodies at T-cell na lumalaban sa covid-19. 
 

Sa isang statement, sinabi ni Professor Wei Chen, mula sa Beijing Institute of Biotechnology na maituturing na isa itong milestone sa paghahanap ng gamot sa covid-19. 
 

"These results represent an important milestone. The trial demonstrates that a single dose of the new adenovirus type 5 vectored COVID-19 (Ad5-nCoV) vaccine produces virus-specific antibodies and T cells in 14 days, making it a potential candidate for further," pahayag ni Chen. Gayunman wala pa aniyang katiyakan kung magbibigay din ng proteksiyon ang bakuna sa tao laban sa covid-19. 
 

"However ... the ability to trigger these immune responses does not necessarily indicate that the vaccine will protect humans from COVID-19... we are still a long way from this vaccine being available to all," pahayag ni Chen. 
 

Tinatayang mayroong 100 bakuna kontra covid-19 ang dine-develop sa buong mundo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr