24 yrs. inipon... STAR WARS COLLECTION NI OGIE, IDINONEYT SA CHARITY NI ANGEL

May 23, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

 

Twenty-Four years na nag-ipon ng Star Wars characters ang comedian-singer na si Ogie Alcasid. Ito ang kanyang paboritong collection na matagal na naging bahagi ng kanyang buhay.

 

Pero, hindi siya nagdalawang-isip na i-donate ito sa fundraising project ni Angel Locsin, ang Shop & Share, na ang layunin ay makatulong sa mga taong naapektuhan ng COVID pandemic ang kabuhayan.

 

Nanawagan si Angel sa mga kapwa niya artista na mag-donate ng kanilang mga stuff na hindi na nila ginagamit para sa Shop & Share project. Ang mapagbebentahan ng mga donated items ay ipamamahagi sa mga nangangailangan ng tulong.

 

Maluwag sa loob ni Ogie Da Pogi ang pagle-let go ng kanyang Star Wars collection para sa fundraising project ni Angel Locsin. Basta para sa charity at may magandang pupuntahan ay handa si Alcasid na mag-donate.

 

Kaya naman sumasaludo kami sa magandang gesture na ito ni Ogie Da Pogi. He's indeed a good Samaritan. Sana all!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr