top of page
Search
  • Thea Janica Teh

PHP3 bilyon, ibinigay ng PCSO sa pagpugsa sa COVID-19

Bulgarific

Para matulungan ang gobyerno sa pagpugsa sa pandemiyang kinahaharap natin ngayon at para mabigyan ng mga pangangailangan ang mga Filipino ay inanunsyo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina M. Garma na naglabas na ang ahensiya ng humigit-kumulang Php3 bilyon.

Noong Marso, inaprubahan ng PCSO Board of Directors ang Php420 milyon bilang tulong sa gobyerno sa pagpugsa sa COVID-19. Ito ay ibinigay sa PhilHealth para gamitin sa pagsagot sa hospitalization ng mga Filipinong tinamaan ng virus.

Sumunod dito, naglabas muli ang ahensiya ng Php447 milyon bilang financial assistance sa 82 government hospital sa buong Pilipinas. Kasama rito ang pagpapagamot ng mga COVID-19 patient, testing kits, reagent, medical/diagnostic equipment, confinement, medicine, laboratory/ diagnostic procedure at Personal Protective Equipment.

Naglabas din ang ahensiya ng Php4.2 milyon para sa Malasakit Center sa Metro Manila. Kasamang nabigyan dito ay ang Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center, Philippine General Hospital, Rizal Medical Center at Taguig Pateros District Hospital.

Bukod pa rito, namigay din ang ahensiya ng food packs, alcohol, disinfecting solutions at masks sa Philippine National Police sa iba’t ibang unit nito sa Maynila at Davao.

Para mas mapadali ang pagbiyahe ng mga frontliners sa kabila ng kawalan ng public transportation ay nagbigay din ang PCSO ng shuttle service para sa mga frontliner sa Ortigas. Nagbigay din ng 1 ambulance unit sa World Trade Center na pansamantalang naging quarantine station.

Sa ilalim ng Republic Act No. 1169 ng Republic Act No. 7659 (RA 7659), dated November 1993, an Act Requiring Government-Owned or Controlled Corporations (GOCC) to Declare Dividends Under Certain Conditions to the National Government, naglaan ang PCSO ng Php2.2 bilyon bilang dividend payment sa Department of Finance para magamit ng gobyerno sa pagpugsa sa COVID-19.

“Sa ganitong panahon, dapat tayong magtulungan kasama ang iba pang government agencies para mawala ang negatibong dala ng pandemiyang ito sa ating kalusugan, social services at economic activities. Kahit 2 buwan ng tumigil ang operasyon ng mga laro ng PCSO, hindi pa rin ito titigil sa pagtulong sa ating gobyerno sa krisis na ito. Kaya naman hinihikayat ko ang publiko na kapag bumalik na ulit sa operasyon ang mga laro tulad ng Lotto, STL, Keno, Sweepstakes, Scratch-it ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtangkilik para sa mas marami pang matulungan ang ahensiya,” sabi ni GM Garma.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page