top of page
Search
  • Lourdes Abenales

Pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise, umarangkada na


Sinimulan na ng Senado ang pagdinig kaugnay sa kontrobersiyal na pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Pinangunahan ng Senate committee on public services ang pagdinig na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian na siyang vice-chairman ng komite makaraang mag-inhibit si Sen. Grace Poe na pamunuan ang pagdinig.

Apat na panukalang batas ang inihain sa Senado na tatalakayin ng komite kabilang na ang Senate Bill Nos. 981 at 1521 na nagkakaloob sa ABS-CBN ng 25-year franchise at ang provisional franchise na magiging balido hanggang Hunyo 30, 2022.

Inihain din ang Senate Bill Nos. 1374 at 1403 na nagpapalawig ng ABS-CBN franchise hanggang Disyembre 31, 2020.

Kabilang sa mga inimbitahan sa pagdinig ay mga opisyal ng ABS-CBN Corporation, National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT) gayundin ang kinatawan ng Office of the Solicitor General, na nauna nang nagharap ng petisyon sa Korte Suprema para ipawalambisa ang prangkisa ng ABS-CBN.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page