Kulong at multa sa taong walang pakundangang magkakalat ng tsimis o mapanirang salita sa kapwa

May 9, 2020

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

  

Bagama’t ang isang tao ay may karapatang magsabi ng kanyang saloobin, hindi ito nangangahulugang siya ay magkakaroon nang karapatang sirain ang reputasyon ng kanyang kapwa tao, katrabaho o kompanyang kanyang pinaglilingkuran.

 

Marapat na kanyang igalang ang katahimikan ng buhay ng bawat indibidwal, kanyang pinagtatrabahuan at maging ng kanyang pamayanan. Ang taong walang pakundangang magkalat ng tsismis ay maaaring managot sa batas.

 

Upang mabigyan ng bayad-pinsala ang taong biktima ng mapanirang sabi-sabi, maaaring magamit ng nasabing biktima ang probisyon ng Civil Code of the Philippines upang makapagsampa ng kasong Damages laban sa taong nagkakalat ng mapanirang tsismis. Tunay na nakasisira sa maaayos na samahan ang pagkakalat ng tsismis sa pamayanan. Marapat na ang lahat ng tao ay malaman na mahalaga ang katahimikan ng indibidwal at marapat na bigyan ito ng respeto.

 

Ang paninira ay malimit na nagiging sanhi ng kasiraan ng taong biktima nito. Kaya naman ang batas ay nagbibigay ng karapatan sa biktima ng tsismis na magsampa ng kasong Damages sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

 

“Art. 26. Every person shall respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons. The following and similar acts, though they may not constitute a criminal offense, shall produce a cause of action for damages, prevention and other relief:

 

  1. Prying into the privacy of another's residence;

  2. Meddling with or disturbing the private life or family relations of another;

  3. Intriguing to cause another to be alienated from his friends;

  4. Vexing or humiliating another on account of his religious beliefs, lowly station in life, place of birth, physical defect, or other personal condition.”

 

Kung ang nasabing paninira naman ay nailathala, maaaring magsampa ang biktima nito ng kasong kriminal laban sa taong gumawa ng paninira sa kanyang katauhan ng kasong Libel o Oral Defamation sa ilalim ng probisyon ng Article 354 at 358 ng Revised Penal Code. Sa Libel, kinakailangang patunayan ng biktima na nailathala ang nasabing paninira. Ang Libel ay binigyan kahulugan bilang “public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.” (Art. 353, Id.)  

 

​Kapag napatunayan ang kasong Libelo, ito ay may parusang “prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos” bukod pa rito ang civil damages na maaaring hilingin ng biktima ng nasabing Libelo laban sa taong gumawa nito.

 

Bukod sa mga nabanggit ay maaari ring magsampa ng kasong Intriguing Against Honor sa ilalim ng probisyon ng Artikulo 364 ng Revised Penal Code, kung saan isinasaad na: “The penalty of arresto menor or fine not exceeding 200 pesos shall be imposed for any intrigue which has for its principal purpose to blemish the honor or reputation of a person.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr