top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Php122.654 milyon, aprubado ng PCSO para sa tulong-medikal

Bulgarific

Inaprubahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Php122.654 milyon para sa tulong-medikal sa halos 13,236 indigent Filipino sa buong bansa noong buwan ng Abril.

Sa ilalim ng Medical Access Program (MAP) ng ahensiya, nakapaloob dito ang confinement, chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-operative medicine. “Bukod sa nararanasan nating pandemiya ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng ahensiya ng tulong-medikal sa tumataas na bilang ng mga indigent Filipino sa ating bansa. Huwag mag-alala dahil gagawan natin lahat ng paraan para maabot ang tulong-medikal sa mga mas nangangailangan,” sabi ni General Manager Royina Garma.

Sa Php122.654 milyong naaprubahan, ang Php113,236,328.95 rito ay mula sa iba’t ibang branch ng PCSO sa buong bansa na para sa 12,445 pasyente. Samantala, Php9,417,575.88 naman ay para sa 791 pasyente na mula sa iba’t ibang ospital na ka-partner ang Malasakit Center ng PCSO.

Mula April 15-30, 2020, noong tumanggap muli ng aplikasyon ang ahensiya para sa MAP, naaprubahan ang National Capital Region (NCR) ng Php12,046,480.00 para sa 887 pasyente; Php21,562,835.93 sa Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) para sa 2,442 pasyente; Php31,744,092.00 sa Northern at Central Luzon para sa 3,591 pasyente; Php27,803,845.00 sa Visayas Region para sa 2,793 pasyente at Php20,079,076.22 sa Mindanao Region para sa 2,732 pasyente.

Bukod pa rito, sa ilalim ng Malasakit Center, 791 indigent Filipino ang natulungan sa buong bansa at may total na Php9,417,575.88. Inaprubahan ang Php1,370,000.00 sa NCL para sa 129 pasyente; Php578,400.00 sa STBR para sa 43 indigent; Php1,324,700.00 sa NCR para sa 46 kliyente; Php4,379,371.68 sa Visayas Region para sa 362 pasyente at Php1,765,104.20 sa Mindanao Region para sa 211 pasyente.

Maaalalang nag-umpisang tumanggap muli ng aplikasyon ang PCSO para sa programa nitong tulong-medikal noong April 15, 2020 habang ang online application ay nagsimula naman noong April 22, 2020. “Magkakahiwalay man tayo sa panahon ngayon, ngunit magkakasama pa ring labanan ang pandemiyang ito at tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong sa kapwa,” dagdag ni Garma.

Ang PCSO Main Office at lahat ng PCSO Branch Office, nationwide ay bukas mula Lunes-Biyernes, 9:00-2:00 ng hapon para sa pagtanggap at pagproseso ng mga aplikasyon. Bukod dito, ang mga taga-NCR ay maaaring magpasa online, sa www.pcso.gov.ph at pindutin ang Eservice NCR Online Application.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page