top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Grace period para sa 4.8 bilyong borrower ng Pag-IBIG Fund, aprubado

Bulgarific

Good news para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, dahil nagbigay ang ahensiya ng grace period para sa mga loan payment ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa ilalim ng implementing rules and regulations (IRR) of Republic Act 11469 o mas kilala sa Bayanihan to Heal as One Act, binibigyan ng sapat na panahon ang mga umutang sa lahat ng nagpapautang sa buong bansa kabilang ang Pag-IBIG Fund. Nagbigay ng 30-day extension ang ahensiya para sa mga loan payment at maaari pang ma-extend depende kung kailan matatapos ang ECQ.

“Bilang pagsunod sa Bayanihan Law at sa Pangulong Duterte na huwag ng dagdagan pa ang hirap na dinaranas ng mga Filipino sa ganitong sitwasyon ay masayang inanunsiyo ng ahensiya na extended ang pagbabayad ng loan ng halos 4.77 million borrower sa buong ECQ period. Lahat sila ay automatikong kasali sa grace period at hindi na kailangan pang mag-apply para makasali,” sabi ni Secretary Eduardo del Rosario, head ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member ng Pag-IBIG Fund Board f Trustees.

Dahil sa itinalagang grace period, ibinahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na pinahintulutan nila ang pagpapaliban sa pagbabayad sa utang na umabot sa Php15 bilyon mula sa 713,225 housing loan at Php4 milyon para sa cash loan.

“Ang kapakanan ng ating mga miyembro ang ating inuuna kaya naman nagtalaga tayo ng moratorium program noong Marso. Ito ay iba sa grace period na ibinigay natin na nakapailalim sa batas,” sabi ni Moti.

Sa ilalim ng moratorium program, ang mga kuwalipikadong miyembro ay may mas mahabang araw para makapagbayad sa tatlong buwang utang na walang penalty at interest. Ang mga eligible sa programang ito ay ang Pag-IBIG Housing Loan, Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan. Ito rin ang mga miyembro na nawalang ng kita o nawalan ng trabaho dahil sa ECQ.

“Ang moratorium program ay pagbibigay ng mas pinahabang oras para makapagbayad ang mga miyembrong nawalan ng trabaho o kita sa panahon ng ECQ,” dagdag ni Moti.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page