Kinumpirma ni Senator Risa Hontiveros na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 ang isa sa kanyang mga staff.
Sa inilabas na pahayag ni Hontiveros, sinabi nito na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang chief legislative officer na si Atty. Jaye Dela Cruz Bekema — limang araw matapos nitong makunan.
Nakasailalim sa self-quarantine si Bekema at hindi na nagtungo pa sa Senado simula noong Marso 9.