top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Project Ark sa Sampaloc Manila, naging matagumpay


Bulgarific

Sa pangunguna ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion kasama si Manila City Mayor Isko Moreno ay naging matagumpay ang pilot run ng PROJECT ARK (Massive Rapid Testing) sa ilang barangay sa Sampaloc Manila noong April 24, 2020.

Naging matagumpay ito sa tulong at pagsuporta ng Angkas na pinangunahan ni George Royeca, medical teams ng Manila City Health at Ospital ng Sampaloc kasama si Project Ark Barangay Pilot Leader Ginggay Hontiveros-Malvar.

Mula sa 1,500 na target ng sampling size, 854 na test ang naisagawa sa unang batch kung saan 31 dito ang nagpositibo sa COVID-19. Ang mga nagpositibo ay agad na tinulungan ng LGU para ma-isolate sa Del Pan Quarantine Facility at para sa confirmatory ng PCR testing at treatment. Pagtapos nito ay isinagawa na rin agad ang contact tracing.

Samantala, may ilang naka-recover na at puwede ng makabalik sa kanilang trabaho. Maaari na rin silang makapag-donate ng dugo/plasma para maging treatment sa mga COVID patient.

Dahil sa matagumpay na pagsagawa ng Project Ark ay minabuti ni Manila City Mayor Isko Moreno na palawakin pa ang rapid antibody testing sa lahat ng distrito ng Maynila.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page