top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Project ARK, patuloy sa paglalayag dahil sa mas pinaraming nakiisang business group


Bulgarific

Pinangunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang video conference para ipakilala sa publiko ang Project ARK o ang inisyatibo ng mga pribadong sektor sa pagsasagawa ng massive testing gamit ang Antibody Rapid Test Kits.

Kahit na nagkaroon ng kaunting problema habang nagaganap ang online meeting, 400 katao pa rin ang nakasali sa discussion. “Ito ang una nating beses na ginamit ang Zoom sa napakaraming participant. Para sa kaalaman ng lahat, walang sensitibong pinag-usapan dito tulad na lamang ng lumabas sa Facebook Live kundi ito ang naging paraan para pag-aralang mabuti ang pagsasagawa ng mass testing at malaman ng lahat ang importansiya nito,” saad ni Concepcion.

Tumutol si Concepcion kay Dr. Ed Salvana laban sa paggamit ng rapid test kits. Sinabi ni Salvana na ang gagawing mass testing ay sayang sa pera. “Hindi kami sumang-ayon na ang pagkakaroon ng mass testing sa mga empleyado ay pagsasayang ng pera. Ito ang paraan natin para mapangalagaan ang ating Negosyo at ang buhay ng mga tao. Ito ay napakalaking pangamba kung hindi malalaman ng business owner ang mga empleyado nitong naimpeksiyon. Ito marahil pa ang maging daan para sa pagsasara ng ating negosyo. Mas gugustuhin pa ng mga pribadong sektor na gumastos para sa kapakanan at kalusugan ng kanilang mga empleyado kaysa ilagay sa panganib ang mga ito pati na ang kanilang negosyo,” dagdag ni Concepcion.

Nagkaroon na ng pilot test sa mga piling barangay sa Metro Manila mula sa mga partner companies na nag-donate ng test kits sa iba’t ibang hospital bilang pagsunod sa protocol ng Department of Health.

Ang mass testing ay isang paraan para maiwasan ang paglaganap ng virus. Ito ang susi sa pagbangon ng ating ekonomiya. “Ito ay pagtatalakay sa pagitan ng buhay at kabuhayan o kalusugan at ekonomiya. Kung tayo ay papipiliin sa pagitan ng buhay at kabuhayan, lagi’t lagi nating pipiliin ang buhay. Sisiguraduhin natin na mabalanse ang seguridad ng buhay ng mga tao at ang ekonomiya ng bansa. Ito rin ang paraan para magkaroon at ipagpatuloy nila ang kanilang negosyo matapos ang krisis na ito,” sabi ni Concepcion.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page