PCSO, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Tondo

April 25, 2020

 

Bulgarific 

  

Dahil sa sunog na naranasan ng mga taga-Barangay 105 Zone 8 District 1 Tondo, Manila kamakailan ay agad na pumunta ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magbigay ng tulong.

 

Sa pangunguna ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina M. Garma na nirepresenta nina Ms. Louise Serojales at Ms. Irene Marzan ay agad nilang iniabot ng personal ang tseke worth Php527,500.00 bilang Calamity Assistance sa lahat ng nabiktima sa nasabing insidente. Halos 1,055 pamilya o 4,155 indibidwal ang naapektuhan ng sunog na nangyari noong April 18, 2020.

 

Masayang tinanggap ni Barangay Captain Elenita Reyes ang tseke na makatutulong sa mga residenteng kaniyang nasasakupan . Sila ay naninirahan ngayon sa covered court habang ang iba ay nasa kalsada lamang ng Road 10 at Capulong na Malaki ang panganib na magkaroon ng COVID-19.

 

Kaya naman agad itong inaksyunan ng PCSO sa ilalim ng Calamity Assistance Program. Ang programang ito ay para sa mga apektadong pamilya dulot ng natural at man-made calamity.

 

Para sa iba pang detalye tungkol sa programang ito, maaaring tumawag sa Special Project Division: Telephone Numbers 426-37-35 at 921-7608. #PCSOCARES

 

♥♥♥

 

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

 

Got to go! It’s so Bulgarific!

 

xoxo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.