P1.5-B cash para sa mga tambay dahil sa lockdown, kasado na — DOLE

April 5, 2020

 

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mamahagi ng P1.5 bilyong halaga ng cash assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na mabigyang ayuda ang mga Filipino sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, target nilang maipamahagi ang cash assistance sa susunod na linggo.

 

Kasabay nito, sinabi ni Bello na may P444 milyon na cash assistance na silang naipamahagi para sa mga manggagawang hindi makapagtrabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

 

Maliban sa financial assistance, may mga programa rin aniya ang DOLE para sa mga apektadong manggagawa.

 

Isa rito aniya ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged at Displaced Workers (TUPAD).

 

Sa ilalim ng TUPAD program, bibigyan ng trabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa ECQ.

 

Ang mga uuwing overseas Filipino workers naman na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ay tatanggap din umano ng cash assistance mula sa DOLE.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr