Malusog na baby boy, ipinanganak ng inang positibo sa COVID-19 sa Delhi

April 5, 2020

 

 

NEW DELHI – Isang babae na positibo sa coronavirus ang nanganak sa AIIMS sa lugar na ito, kung saan ang sanggol ay “healthy and doing well as of now”.   

Nanguna si Dr. Neerja Bhatla, professor ng Department of Obstetrics and Gynaecology sa AIIMS, sa medical team na nagpaanak nang C-section, sa isang baby boy noong Biyernes ng gabi, mas maaga ng isang linggo, nasa mabuti ang kalagayan ng sanggol.  

 

Nang tanungin si Dr. Bhatla tungkol sa sanggol, "We are going to monitor his condition and look out for symptoms. So far the baby is doing fine,” pahayag niya.

 

Ayon sa mga doktor, ito ang unang baby na ipinanganak ng isang coronavirus infected na nanay sa Delhi.

 

Ang ina ng sanggol ay siyam na buwang buntis nang magpositibo sa COVID-19, matapos ang kanyang asawa na senior resident doctor na nagtatrabaho sa Department of Physiology sa AIIMS din, ay infected na sa virus. Ang kapatid din ng resident doctor ay positive sa coronavirus na may respiratory infection.     

 

Kinakailangang i-breastfeed ang sanggol kaya kasama niya ang ina. Sa ngayon, wala pang patunay na maaaring maipasa ang virus mula sa pag-breastfeed, ayon sa mga doktor.  

 

Gayundin, maayos ang kondisyon ng ina ng sanggol kahit pa nagpositibo sa COVID-19 dahil siya ay asymptomatic, ayon pa sa mga doktor.

 

Preparado ang AIIMS sa ganitong klase ng kaso at handa silang alagaan ang mga buntis na coronavirus infected.

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga inang may sakit na coronavirus ay maaaring mag-breastfeed kung nanaisin nila subalit dapat may proper hygiene habang nagpapasuso. Kailangan ding mag-mask, naghugas ng kamay bago at matapos hawakan ang sanggol, at palagiang linisin at i-disinfect ang lahat ng kanyang mahahawakan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr