Lockdown extension, oks sa DILG

April 5, 2020

 

Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na mas makabubuting palawigin ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang sa bumaba na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw.

 

Sinabi ng kalihim na bukas ay magpupulong ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease upang pagdesisyunan kung irerekomenda ang pagbawi o palalawigin ang lockdown.

 

"As far as I am concerned, I think it’s better to continue the lockdown until we have flattened the curve so we will not have any relapse," ani Año.

 

Base aniya sa mga unang pagtataya, posibleng sa Hunyo o Hulyo ang maging peak ng pandemic at umabot sa 30,000 ang tatamaan.

 

"If we did not do the lockdown, the projection would be about 20,000 plus by now," dagdag ni Año.

 

Kahit ang Department of Health ay nauna nang nagpahayag na masyadong maaga kung nabawasan na ang mga kaso sa gitna ng umiiral ng Luzon-wide quarantine.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr