Bilyong dolyar, handang ubusin ni Bill Gates kontra COVID-19

April 5, 2020

 

Handa si Microsoft billionaire Bill Gates na mag-ubos ng bilyong dolyar para sa bakuna na makasusugpo sa COVID-19, at masisigurong mabibigyan nito ang lahat ng mga bansa.

 

Sa buong mundo, sampu’t sanlibo na ang mga namamatay sa nagdaang mga buwan dahil sa coronavirus, at patuloy na tumataas, subalit wala pa ring gamot o vaccine na maaaring maging lunas para dito.

 

Walang tigil na nagsisikap na magdiskubre ang mga scientists sa iba’t ibang panig ng mundo upang makakuha ng tamang gamot para ditto. Kung mayroon man, kinakailangan pang dumaan sa normal na proseso at masusing pagsusuri, na maaaring abutin ng buwan o taon bago ito ilabas sa merkado.   

 

Ayon kay Gates sa US comedy/news program na ‘The Daily Show’, hindi dapat tayo nagsasayang ng oras, gayundin, sabi ng isa sa pinakamayayaman sa buong mundo, ang kanyang charitable foundation ay nagsimula nang magpatayo ng vaccine factories para sa pitong kinakitaan ng pinakamainam na antidote na susugpo sa virus, kahit na wala pang pruweba na ang mga ito ay mabisang gamot laban sa COVID-19.

 

"Even though we'll end up picking at most two of them, we're going to fund factories for all seven just so we don't waste time in serially saying 'OK, which vaccine works?' and then building the factory," sabi ni Gates sa naturang TV show.

 

"It'll be a few billion dollars we'll waste on manufacturing for the constructs that don't get picked because something else is better. But a few billion in this situation we're in, where there's trillions of dollars - a thousand times more - trillions of dollars being lost economically, it is worth it."

 

Si Gates at ang kanyang asawang si Melinda, ang nagpapatakbo ng Bill & Melinda Gates Foundation. Simula nang itinatag ito noong 1990, bilyon na ang nagastos dito upang labanan ang mga sakit na malaria, tuberculosis at HIV, katuwang din ang billionaire na si Warren Buffett.

 

Ayon pa kay Gates, aabutin ng buwan bago maumpisahan at mapondohan ng gobyerno ang vaccines na kinakailangan, pero dahil sa mayroon siyang pondo na naibigay kaya madaling nasimulan ang paggawa ng gamot.         

 

Samantala, aniya, magkakaroon ng “lot of unusual measures” para labanan ang pagkalat ng virus, bago mabakunahan ang lahat ng tao sa buong mundo. “Seven billion people, that's a tall order, but it is where we need to get to." 

 

Gayunman, dalawa sa pitong sinusuring vaccines ay inanunsiyo na noong nakaraang linggo. Isa sa mga scientists sa University of Pittsburgh School of Medicine, ang nagsabing nakagawa sila ng isang Band-Aid style patch na nag-triggered sa antibody response ng mga daga “that could hold off the disease for probably a year.”

 

Sa ngayon, isinasagawa na ang animal testing at umaasa ang lahat sa mga susunod na buwan na magagamit na ang vaccines.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr