1-buwang sanggol, positibo sa COVID-19

April 5, 2020

Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 ang isang buwang sanggol sa Bataan na pinakabatang pasyente sa bansa sa ngayon.


Ayon kay Bataan Governor Albert Garcia, kabilang ang sanggol sa dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Mariveles. Ang isa ay 28-anyos na lalaki.


Nadagdag din sa listahan ng positibo sa virus ang 38-anyos na lalaki mula sa bayan ng Limay.


Iniulat din ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) on Covid-19 na isang 55-anyos na lalaki mula sa bayan ng Orani ang namatay sa COVID-19 ngayong araw.


Sa kabuuan, nasa 22 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bataan kung saan ay anim ang gumaling at tatlo na ang nasawi.


Nasa 3,575 naman ang persons under monitoring habang 807 ang patients under investigation sa lalawigan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr