top of page
Search
  • Gerard Arce

Mga plano at payo ng NBA coaches, alamin


Kahit pa man may nananalasang coronavirus disease (covid-19) pandemic sa buong mundo, partikular na sa Estados Unidos, walang humpay pa rin ang trabaho ng mga NBA coaches na pinag-aaralan ang mga posibilidad na makakalaban at pagpaplano sa koponan.

Wala mang makakapag-utos ng ilang mga scrimmages at drills sa ginagawang pagsasanay, sakit din sa mga ulo ng coaches kung hanggang kailan sila makababalik sa normal na buhay nila sa loob at labas ng basketball court.

“Not knowing the restart date is the toughest challenge professionally,” pahayag ni Orlando Magic head coach Steve Clifford. “Obviously, we’re all limited in what we can do, and basketball takes a back seat right now to family and health. But I will say this: When I talk to our guys, the one common question that comes up is ‘When do you think we can start again?”

Sapol naman ng malaman ng may dugong Pinoy na si Erik Spoelstra ng Miami Heat na suspendido na ang season ng NBA, mas nagbigay ito ng oras sa kanyang pamilya habang patuloy pa rin ang pagbibigay tulong sa mga kapuspalad.

Nagbibigay din ito ng positibong mensahe sa mga tao at madalas na nagpapaalala na palagiang maghugas ng kamay at maging maingat anumang oras.

“My routine is checking after dinner, and I usually get on my computer, watch a little bit of what’s going on,” ika ni Spoelstra. “So, I’m staying abreast of the current status of things, but I definitely do not try to start my day that way and I do not obsess about it during the day.”

Nagbigay naman ng kaunting bilin si Dallas Mavericks coach Rick Carlisle na magsanay pa rin ng tamang pag-shoot at tamang basketball drills kahit walang court.

Pagkakataon rin ito para kay Oklahoma City coach Billy Donovan na magsagawa ng isang ‘virtual coaches clinic’ at ilang simpleng mensahe sa online, samantalang naglaan naman ng oras si Los Angeles Lakers head coach Frank Vogel na pag-aralan ang ilang lumang games nila, at magbigay oras sa pamilya sa panonood ng Netflix at mga pelikula.

Inihahanda naman ni Milwaukee Bucks coach Mike Budenholzer ang kanyang sarili at staff kung sino ang potensyal na makakalaban nila sa playoff bilang numero unong koponan sa Eastern Conference.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page