top of page
Search
  • Joy Repol Asis

Iba pang nabibiling basic goods, nilagyan ng limit


Dinagdagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga produktong limitadong bilhin.

Kabilang dito ang 10 piraso lamang kada indibidwal ang mabibilhing delata, tig-aapat na piraso lamang na disinfectant wipes, toothpaste, mouthwash at cooking oil.

Limitado rin sa dalawang bote o pakete ang mga panimpla, sabong panlaba na dalawang bundle o 2 bareta habang anim na pakete lamang ang mga dried fish.

Matatandaang, una nang nilimitahan ng DTI ang mga mabibiling alcohol, instant noodles, toilet paper, kape, gatas at tinapay sa mga grocery.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang nasabing hakbang ay para maiwasan ang pag-hoarding ng mga bilihin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page