top of page
Search
  • BRT

Ama pinatay ng anak

BUKIDNON — Isang ama ang pinatay sa taga ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Violeta, Malaybalay City.

Ang biktimang nagtamo ng mga taga sa katawan ay nakilalang si Alfredo Paelmarin, 69-anyos, samantalang ang suspek ay ang anak nitong si Jorry, 33-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Alfredo ay biglang pumasok ang suspek at pinagtataga ang kanyang ama.

Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dad-on-arrival.

Nakapiit na ang suspek at inaalam na ng pulisya ang motibo nito sa pamamaslang sa kanyang ama.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page