top of page
Search
  • Madel Moratillo​

6 yrs. old, pinakabatang gumaling sa COVID-19 sa 'Pinas


Isang anim na taong gulang na batang babae mula sa Benguet ang nakarekober mula sa Coronavirus Disease 2019.

Ang nasabing pasyente ang pinakabatang nakarekober mula sa virus.

Nabatid na ang nasabing bata ay isa sa apat na gumaling mula sa rehiyon.

Ang pasyente ay sinasabing bumiyahe umano mula sa Region IV-A.

Samantala, ang 12 pang ibang kaso ng covid-19 sa Cordillera ay nasa stable nang kondisyon.

Wala namang bagong kaso ng covid-19 na naitala sa Baguio City sa nakalipas na 5 araw.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page