top of page
Search
  • Imee R. Marcos

Mga Pinoy na tamang diskarte sa kabila ng mga problema, ayos!

Isa sa mga ugaling Pinoy na talaga namang kahanga-hanga ay ang pagiging madiskarte nito. Pumaparaan sa lahat ng bagay na parang McGyver lang ang peg, palaging may solusyon sa lahat ng problema. Ay teka, sa mga bagets na hindi kilala si McGyver, isang American TV series ito na sumikat noong panahon ng mga parents ninyo.

Proven na ang diskarteng Pinoy, na kahit tipong wala nang kapag-a-pag-asa, never tayong sumusurender, kahit katiting na lang ang natitirang pag-asa. ‘Yan ang fighting spirit na meron tayo!

Likas na ‘yan sa atin, kumbaga, nasa DNA na natin ‘yan! Tulad na lang sa mga problema natin sa kakapusan ng face mask at iba pang mga personal protection equipment o PPE para sa mga health workers na nasa frontline.

‘Yung ating mga kababayan, kani-kanyang tahi ng face masks, kani-kanyang improvised din ng proteksiyon para sa ating mga health workers, ‘yan ang diskarte nating mga Pinoy!

Kaawa-awa talaga ang ating mga health workers, parami na nang parami ang bilang ng mga doktor na namamatay dahil sa COVID-19. Pero siyempre, hindi na natin hahayaang madagdagan pa sila. Kaya lahat ng diskarte ay ginagawa na natin. Lahat ng puwedeng pangproteksiyon, pinag-iisipang diskartehan.

Chika ko nga, bakit hindi na lang kopyahin ang original at ipagawa sa isang garment industry d’yan sa Taytay Rizal? Kayang-kaya nilang paspasan ‘yan!

Hindi lang natin maililigtas ang mga health workers, trabaho rin ang pakikinabangan ng 300,000 garment workers at mananahi sa Cavite at iba pang lugar. Bongga, ‘di ba?

Pero sana lang ay makipagtulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

Luwagan na sana ‘yung requirements at bilis-bilisan ang pag-apruba sa PPE prototype. Buhay ng ating mga kababayang health workers ang nakataya, kaya please lang ay aprubahan na ang PPE prototype. Now na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page