top of page
Search
  • V. Reyes

Mayor Joy, nagsori sa pagpatol sa mga bashers


Humingi ng sorry si Quezon City Mayor Joy Belmonte at umaming mali ang ginawang pagpatol sa mga kritisismo at banat sa kanya sa social media.

“Kasabay ng paghahanap pa ng mga paraan para mas mapabuti ang aming serbisyo sa ating mga komunidad, nais ko rin pong hingin ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin sa inyo,” pahayag ni Belmonte.

Una nang inulan ng batikos ang alkalde bunsod ng mabagal umano nitong pag-aksiyon sa mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan sa gitna ng umiiral na Luzon-wide quarantine.

“First, I sincerely apologize for losing my composure on social media. You are correct that all the projects implemented by the QC government belong to you, as they are funded by your taxes.

When I was elected as Mayor, I was given the honor and privilege to serve all QC residents, regardless of political affiliation. Pero alam kong isang malaking pagkakamali na nakapag-post ako ng mga salitang taliwas dito. Inaamin ko po na nagkamali ako," dagdag pa ng mayora.

Nagsori rin si Belmonte sa paggamit nito ng mga bag na natira sa pangangampanya para paglagyan ng mga relief goods na ipinamahagi nito sa mga taga-lungsod.

“Second, I apologize for distributing health kits branded with “Joy Para Sa Bayan”. While it is true that my team used leftover donated bags from the previous campaign and that they were the most readily available bags on the first day of ECQ, it is clear that this was highly insensitive given the circumstances. Inaamin ko po na nagkamali ako," paliwanag nito.

Inamin din ng opisyal na kanyang napag-isip-isip na maaaring hindi siya karapat-dapat sa posisyon ngunit gagawin umano niya ang lahat upang maging mabuting lider.

“When I reflect on these actions, I do not recognize the public servant that I aspire to be. The citizens of Quezon City deserve better. I will do better," pagtitiyak ni Belmonte.

Kasabay nito, iginiit ng alkalde na mayroon lamang na nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa lokal na pamahalaan at gumagamit pa umano ng trolls para magpalutang ng mga fake news.

“We appeal to everyone to please be very critical about what you read, like, or share. Huwag po tayong magpadala sa “fake news” at trolls. Sa halip na tumulong at makiisa sa lungsod para malampasan ang COVID-19, may mga taong sinasamantala ang krisis para sa kanilang pansariling interes. Napakarami na pong “fake news” na ikinakalat. Nais ko pong bigyang linaw ang ilan sa mga ito," ayon kay Belmonte.

“I am disheartened that whoever is funding this misinformation campaign has taken advantage of one of the most difficult times in our history to sow confusion, uncertainty, and distrust. They have chosen to create divisiveness at a time when we need to be most united against an invisible enemy that knows no bounds," pahayag pa ng alkalde.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page