top of page
Search
  • Erlinda Rapadas

Matteo, ini-enjoy lang si Sarah, saka na ang baby

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sariwang hangin sa beach, wa’ epek…

Kris, ayaw tantanan ng sakit, umuwi na lang sa bahay

Mabuti naman at nakauwi na sa sariling bahay si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Galing sila sa resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera at doon nagbakasyon nang ilang araw.

Payo ng doktor ni Kris, mabuti sa kanya ang sariwang hangin sa tabing-dagat kaya nagbakasyon silang mag-iina sa isla ng Boracay. Pero, nang nabalitaan nga ito ng Wowowin host na si Willie Revillame, agad siyang nag-offer kay Kris na sa resort na lang niya sa Puerto Galera sila magbakasyon.

Mistulang Boracay din ang beachfront ng resort ni Revillame sa Puerto Galera. Pero, inubo si Bimby at bumaba naman ang BP (blood pressure) ni Kris kaya nagdesisyon siyang umuwi na sa sariling bahay at tapusin ang bakasyon.

Maraming sakit na iniinda si Kris bukod sa kanyang allergy sa maraming bagay (pollen, pagkain atbp.). Limitado lang ang puwede niyang kainin. Mahina ang kanyang immune system. Mabuti na lang at may mga doktor at espesyalista na nag-aalaga sa kanyang kalusugan at naririyan ang kanyang mga anak na nagbibigay sa kanya ng moral support at inspirasyon.

♥♥♥

Muling kikiligin ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas sa guesting bukas (Sabado) ni Julie Anne (Nikki) sa episode ng Pepito Manaloto na Visita Iglesia.

Sina Julie Anne at Jake ang original na magkapareha noon sa PM pero nang maging abala si Julie sa kanyang mga shows at concerts ay paminsan-minsan na lang siyang nagge-guest sa Pepito Manaloto.

Pumalit sa kanya sina Janine Gutierrez at Ynah Asistio. Pero, iba pa rin ang "aura" ni Chito kapag bumabalik si Nikki sa sitcom.

Maging ang mga televiewers, gustung-gusto na ang tandem nina Nikki at Chito. Sana raw, regular nang mapanood sa Pepito Manaloto si Julie Anne San Jose.

♥♥♥

Matteo, ini-enjoy lang si Sarah, saka na ang baby

Mahigit isang buwan pa lang na nakakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at nagsisimula pa lang silang ayusin ang kanilang love nest. Pero, marami na ang nag-aabang kung kailan daw ia-announce ng newlywed na buntis na ang Pop Royalty.

Bago kasi ang kanilang kontrobersiyal na secret wedding, inisip na ng ilang netizens na buntis na si Sarah G. kaya napadali ang kanilang pagpapakasal. Dapat ay sa Italy pa ang kanilang kasal na March, 2020 ang pagkakaalam ng lahat na petsa, pero naganap nga ang civil wedding noong Feb. 20, 2020. Masuwerte raw kasi ang petsang napili nila upang magpakasal.

Itinanggi naman ni Matteo G. na buntis na ang kanyang wife na si Sarah. Ini-enjoy na lang daw muna nila ang panahon na sila ay magkasama. Hindi naman nila ililihim kung buntis na si Sarah.

♥♥♥

Dingdong, proud na masarap magluto si Marian

Dahil sa ginawang pagluluto ni Marian Rivera ng famous family recipe niyang menudo na ibinigay sa mga health workers at frontliners ng QC General Hospital, maraming health workers sa iba't ibang ospital ngayon sa Metro Manila ang humihiling na mabigyan at makatikim sila ng menudo ni Lola Ingkang na specialty ni Marian at paborito rin ng kanyang pamilya.

Willing naman ang mister niyang si Dingdong Dantes na tulungan si Yanyan sa paghahanda ng mga gagamiting rekado sa menudo. Katulong din si Dingdong sa pag-iimpake ng food packs na ipinamigay sa mga frontliners ng QC General Hospital.

Kahit papaano, masaya si Marian na may naitulong siya sa mga health workers/frontliners na isinusuong ang buhay upang magligtas ng mga COVID-19 patients. Proud naman si Dingdong sa kanyang maybahay na maganda na at isang ulirang ina at asawa ay mahusay pang magluto.

At least, si Marian, certified na nagluluto talaga at hindi press release lang tulad ng ibang nag-enroll pa kuno sa culinary school pero hindi naman talaga sanay magluto kapag nasa sariling bahay.

Sina Marian, Judy Ann Santos, Danica Sotto at Regine Velasquez ang ilang celebrities na nagluluto talaga.

♥♥♥

May pa-contest ba ngayon sa hanay ng mga mayors na kani-kanya ng diskarte upang makatulong sa kanilang mga constituents sa panahon na naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon?

Bago pa nanalanta ang COVID pandemic, si Manila Mayor Isko Moreno ay nauna nang nagpakitang-gilas sa malaking pagbabago na ginawa niya sa Maynila. Nakita ng lahat kung papaano niya nilinis ang Divisoria, Quiapo, Lawton, Plaza Miranda, Sta. Cruz atbp..

Maraming bumilib sa kanyang pamamaraan ng pamamalakad sa lungsod. Mabangung-mabango ang imahe niya sa lahat, hindi lang sa mga Manileño.

Pero nang sumulpot ngayon si Pasig Mayor Vico Sotto noong kasagsagan ng COVID-19 kung saan maraming nag-panic dahil sa Luzon lockdown, maraming nagulat sa ginawa niyang action para sa mga Pasigueños. Bukod sa maagap na pamimigay ng food packs at relief goods sa mga barangay, nag-provide rin siya ng libreng sakay para sa mga health workers at frontliners na nagdyu-duty sa mga ospital.

Gumamit siya ng mga drones upang ma-disinfect ang mga kalsada at establishments ng Pasig. Naglagay din siya ng mobile markets (parang rolling stores) na nagbebenta ng mga basic goods upang hindi na mahirapan sa pamimili ang mga Pasigueños.

Namigay din si Mayor Vico ng food stub para sa mahihirap na estudyante na magagamit sa mga fastfood. Nagbigay din siya ng cash incentive sa mga tricycle drivers, jeepney at taxi drivers at mga tindera na nawalan ng pagkakakitaan. Malaking pogi points ang nakuha ni Mayor Vico sa kanyang tulong na ito sa mahihirap.

Hindi naman nagpakabog si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos at ang magiting na mayor ng Gapan, Nueva Ecija na si Emer Pascual na tig-isang sako ng bigas ang ibinigay sa 23 barangay na may kasama pang manok at gulay.

Ang mabait at masipag na mayor naman ng Pandi, Bulacan na si Enrico Roque ay personal na nagbahay-bahay upang hatiran ng ayuda ang mga Pandinueños.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page