top of page
Search
  • Lolet Abania​

Katutubo ng Malaysia, nagtago na sa gubat


Kuala Lumpur – Matapos ipasara ang entrance gamit ang mga barikada sa isang lugar doon, halos kalahati ng mamamayan ng Jemeri ay nagtago na at nagbalik sa mga gubat sa takot na kumalat ang coronavirus sa buong Malaysia, kung saan naitala sa kanila ang unang indigenous o katutubo na ‘Orang Asli’ na infected.

“We are going back into the forest, to isolate ourselves and find food for ourselves,” sabi ng villager at activist na si Bedul Chemai sa Reuters mula sa Jemeri, Pahang State ng Malaysia. “We know how to get food from the forests and there are some things that we can plant there.”

Samantala, isang tatlong taong gulang na lalaki sa naturang lugar sa labas ng Cameron Highlands, ang kilalang tourist spot, ang unang kaso ng Orang Asli na nagpositibo sa coronavirus. Hindi malinaw kung saan nakuha ng bata ang virus, ayon sa director-general ng Department of Orang Asli Development na si Juli Edo.

Ang mga ‘Orang Asli’ na naging unang tao sa Malaysia, ay silang pinakamahihirap at pinakamahihina kung saan madaling kapitan ng sakit. Dahil na rin sa estado ng kanilang pamumuhay, karamihan sa kanila ay nakararanas ng malnutrisyon at matinding kahirapan.

Gayundin, sa kanila naitala ang may pinakamaraming bilang ng infected ng COVID-19 sa Southeast Asia.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page