top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Kahit lugi, ‘di dapat tumigil... Mag-asawa na parehong taong singko, yayaman sa 2021 kung susubok ng

Dear Maestro,

Napakahilig ng mister ko na magnegosyo at sa totoo lang, kung anu-anong negosyo na ang nasubukan niya. May junk shop, pag-aalaga ng mga manok at nag-ahente rin siya. Sumali rin siya sa “double your money at pyramiding” kaya lang, ang nangyayari ay palagi kaming nalulugi at dahil sa mga pagkaluging ito, nabaon kami sa utang. Gayundin, madalas kaming mangutang sa mga kapatid namin kaya hindi nila kami magawang idemanda, pero halos araw-araw ay pinagsasabihan kami ng masasakit na salita ng mga hipag at bilas ko.

Gustuhin man naming makabayad, walang-wala talaga kami ngayon kaya naisip namin na magnegosyong muli para makabangon. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman ano ang angkop na negosyo sa aming mag-asawa upang makabayad na kami sa mga pagkakautang at yumaman kaming mag-asawa? February 5, 1974 ang birthday ko at October 23, 1970 naman ang mister ko.

Umaasa,

Agnes ng Magdiwang, Noveleta, Cavite

Dear Agnes,

Alam mo, ang pagyaman ay hindi minamadali dahil kusa itong nangyayari at nararamdaman, sa panahong ganadong-ganado ka sa pagtatrabaho o paghahanapbuhay Kapag napapansin mong ganadong-ganado ka sa pagtatrabaho o sa anumang hanapbuhay, ‘yan ay malinaw na indikasyong malapit ka ng yumaman kaya sipagan at samantalahin mo ito.

Sa kabaligtaran naman nito, kapag wala ka nang ganang magtrabaho at tinatamad ka na sa ginagawa mo, ‘yan ang indikasyong dapat maghanap ka ng bagong resources ng pagkakakitaan. Pero ‘wag ninyong mami-misinterpret na porke sinasabi kong maghanap kayo ng bagong resources o pagkakakitaan ay iiwanan mo na ang isa o dati mong source of income. Sa halip, pairalin mo pa rin ang “multiplication process” kung saan wala kang iiwanan. Ibig sabihin, magdaragdag o pararahimihin mo hanggang sa dumami nang dumami ang sangay na pinagkakakitaan mo.

Sa business term, ‘yan ang tinatawag na “portfolio”, ibig sabihin, lalagyan o listahan ng mga investments mo na patuloy na kumikita at nagbibigay sa iyo ng income. Karamihan sa mga portfolio ay share o bahagi mo sa isang malaking negosyo o kahit anong negosyo na sa tuwing kumikita ay pinapartehan ka.

Isa ring halimbawa ng porfolio ay ang pagbili ng chip, stocks o shares sa stock market at iba’t ibang negosyo ka bumili ng stocks upang dumami ang iyong pinagkakakitaan. Isa pang halimbawa ay may apartment ka na kumikita ng upa buwan-buwan. Mientras maraming laman ang iyong portfolio, marami kang pinagkakakitaan kaya pasok nang pasok sa iyo ang pera at mas mabilis kang yayaman.

Samantala, Agnes, ang mahalaga ay ‘wag kayong titigil sa pagnenegosyo kung naumpisahan niyo nang malugi dahil sa bandang huli, r’yan kayo matututo at aasenso. Kumbaga sa isang babae na nagkaroon ng masamang karanasan, ‘ika nga, kung saan ka nadapa, roon ka rin babangon.

Habang, ayon sa birth date mong 5 at 23 naman ang mister mo, kapwa kayo taong singko, (ang 23 ay 2+3=5) na ngangahulugan na yayaman talaga kayo sa pagnenegosyo.

At upang mas madali kayong yumaman at suwertehin sa negosyo, dapat na maging nature ng business ninyo ay grocery o tindahan sa palengke, higit lalo kung ang magiging tampok ninyong kalakal ay bigas, asukal, sabon, delata, mantika at iba pang kauri nito. Ang ganyang mga negosyo ang magpapayaman sa mga taong may birth date na 5 at 23, higit lalo kung maide-deliver ninyo sa malalayong lugar ang inyong mga paninda. Ang pagdi-dealer at pagiging “middleman” or trader sa anumang uri ng produkto ay maaari niyo ring isaalang-alang.

Sa sandaling nasimulan n’yo na ang trading business na magandang magsimula hindi sa taong ito kundi sa 2021, kapag tapos na ang problema ng COVID-19 sa buong mundo, tiyak angmagaganap, lilipas ang mga lima hanggang pitong taon, sa year 2028, sa edad mong 54 at 58 naman si mister, mayamang-mayaman na kayo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page