top of page
Search
  • Vinia Vivar

'Di pa raw dumarating ang mga donasyon... Bela, ipinagsigawang pera niya ang milyones na ginasto


Para matigil na ang mga tanong kung nasaan ang P3 milyong donasyon ng mga tao kay Bela Padilla sa fundraising na isinagawa niya kamakailan, once and for all ay naglabas ang aktres ng breakdown kung saan napunta ang pera.

Sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Bela na galing pa sa sarili niyang bulsa ang lumabas na P2.5 M dahil wala pa raw sa kamay niya ang mga ito.

Aniya, “Again, for everyone’s peace of mind. I already posted everything. It’s in my highlights too. The donations from the gogetfunding were P1.37 M.

“The 2 million donated by one person hasn’t arrived yet. But the food I bought for the two days of donations was worth around P2.5 M.

“Also, the P1.3 M hasn’t been released by PayPal yet. So right now, it’s all my money that went out,” ang bungad ni Bela.

Kasunod nito ay ang breakdown ng kanyang mga nagastos at kung saan napunta.

A quick breakdown. P1 M worth of canned goods and rice went to Caritas Manila (which they posted too).

“P1 M worth of groceries and other goods were split into 2 groups. The first group was delivered to the PWDs of Q.C. by my friends who volunteered and the second group is what the Philippine army and I distributed out on the streets and to Pasay, Manila and Makati (which I posted on the day itself).

“The last P500 K I had out of the bank was used for rice and more canned goods that were sent to Caritas Manila last Friday. (I couldn’t personally deliver but was delivered and also posted by the Philippine army).

“When the P2 million comes in hopefully next week, I will take my P1 million back and use P1 million for one more food drive. I’ve already noted suggestions for where I can allocate the remaining funds. Enjoy your day!” ang saad ng post ni Bela.

Ayon pa sa aktres, after this post ay hindi na raw niya sasagutin ang mga katanungan tungkol dito.

“I won’t reply to anybody about this anymore after this post. There are more people who need help, and I will focus my energy only to them or myself,” sey niya.

Binash naman ng mga netizens ang kumukuwestiyon sa perang nalikom ni Bela at ipinagtanggol nila ang aktres.

Matatandaang nagsagawa ng fundraising project si Bela para matulungan ang mga street vendors na apektado ng enhanced community quarantine. Ipino-post naman ng aktres sa social media account niya ang lahat ng donations hanggang sa pagbili niya ng mga goods at pagde-deliver.

♥♥♥

Sobrang nami-miss na ng Kapuso star na si Klea Pineda ang magtrabaho at mag-taping ng serye niyang Magkaagaw.

“Sobra! Sa totoo lang, nanaginip ako one time na nasa taping daw ako ng Magkaagaw, ganu'n ko siya ka-miss!” lahad ng dalaga sa aming e-mail interview sa kanya.

Pati ang mga co-stars niya sa said serye ay miss na miss na rin daw niya.

“Halos sila ang nakakasama ko every week at nakaka-miss ang mga co-actors ko, directors and ang production team ng Magkaagaw,” aniya.

Siyempre, kasama na rin sa nami-miss niya ang kapareha niya sa serye at nali-link sa kanya na si Jeric Gonzalez. Pero good thing, may communication naman daw sila kahit hindi nagkikita.

“Yes, palagi kaming nagkukumustahan dahil ito 'yung pinakamatagal na panahon namin na hindi nagkikita,” pahayag pa ni Klea.

Sa ikatlong linggo ng enhanced community quarantine, ani Klea ay nasa bahay lang siya kasama ang pamilya.

“Simula nu'ng nag-start 'yung quarantine, nakikipag-bonding ako sa family ko. Nagka-karaoke kami, minsan nagluluto ng food, gumagawa ng house chores, at tinutulungan naming magkakapatid si Mommy sa pag-aayos niya rito sa house,” pagbabahagi ni Klea.

Siyempre, ibayong pag-iingat din daw ang ginagawa nila para hindi madapuan ng Coronavirus.

“Sinisiguro namin na ‘andito lang kami sa bahay. Aalis lang ako, si Mommy at si Papa kapag kailangang mag-grocery. Palagi kaming umiinom ng vitamins and we stay hydrated, and of course, we always pray.”

Ano ang biggest realization niya sa mga nangyayari ngayon?

“Spend more time with your family kasi hindi mo alam kung ano ang mga posibleng mangyari. Maaaring 'yung meron ka ngayon ay wala na bukas. Kaya itong quarantine na 'to, sinusulit ko para ibigay 'yung oras sa pamilya ko dahil after ng pandemic na ito, magbabalik ulit ako sa trabaho at bihira ko na naman silang makakasama,” sagot ni Klea.

Kapag back to normal na ang lahat, ano ang unang-una niyang gagawin?

“Work! ‘Yan ang pinakaunang gagawin ko dahil 'yan ang pinakanami-miss ko sa lahat,” she replied.

♥♥♥

Bukas (Sabado), April 4, minsan pa nating tunghayan ang Kalaguyo episode ng Ipaglaban Mo kung saan ay pinuri-puri ng mga netizens ang pagganap ni Jhong Hilario bilang isang lalaking tinuhog ang magkapatid hanggang sa mapatay niya ang sariling asawa’t hipag.

Mula sa direksiyon ni Carlo Po Artillaga, kasama rin sa episode sina Nikki Valdez, Cindy Miranda and CJ Jaravata. Sila ang tatlong magkakapatid na sina April, May at June.

Ginagampanan ni Nikki ang papel na April na asawa ni Tony (Jhong), habang si Cindy naman si June na magiging kabit.

Dahil sa pagkabaliw ni Tony kay June ay mapapatay niya ang sariling asawa at hipag na si May.

Ang daming na-shocked sa pagkasensitibo ng tema at pinag-usapan sa Twitter ang husay ni Jhong sa kanyang papel na mala-demonyo sa kasamaan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page