top of page
Search
  • BRT

'Pag eleksiyon todo sa pamimigay... Hamon sa mga pulitiko: Galaw-galaw vs. COVID-19


Hinikayat ang iba pang pulitiko na tumulong na rin sa pagbibigay ng makakain sa mga kababayang nakararanas ng gutom dahil sa COVID-19.

"I am sure meron bawat isa sa atin na nasa puwesto ay may mga extra na ilang kilo ng bigas at mga delata sa ating bahay na maaaring ipamigay sa ating mga nasasakupan na nangangailangan," ani ACT-CIS Cong. Eric Yap.

Sinabi pa ng mambabatas na wala namang pasok ngayon kaya magandang gamitin ang pagkakataon para mag-repack ng pagkain na ibibigay sa mga 'less fortunate' na kababayan.

Umaasa ito na tutugon ang ibang pulitiko sa kanilang panawagan na tumulong.

"Kapag election ay lumalabas at namimigay ang mga pulitiko, sana ngayon din ay mamigay sa mga nangangailangan," pahayag pa ng mambabatas.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page