top of page
Search
  • Janice DS Navida

Ivana, ayaw paawat kahit magho-holy week na, todo-buyangyang ng katawan sa socmed

Matteo, buking na under de saya kay Sarah

Inlabey talaga si Matteo Guidicelli sa misis niyang si Pop Princess Sarah Geronimo!

Inggit much ngayon ang mga fans ng AshMatt dahil sobrang lucky daw si Sarah G. sa pinili niyang pakasalan.

Sa latest Instagram post kasi ni Matteo, ganito ang mababasa sa art card na inilagay niya, “Marriage is simple. Your wife does whatever she wants and you do whatever she wants.”

Kantiyaw tuloy ng mga netizens, under de saya raw pala si Matteo kay Sarah.

May fan namang nagsabi na kahit nu’ng BF-GF pa lang ang AshMatt, under na talaga ang aktor sa singer.

Isang follower naman ang nagkomento na payo raw kasi ni Nico Bolzico ‘yun kay Matteo, na para walang gulo, sundin si misis!

Well, isa rin kami sa mga fans ng AshMatt kaya wish din naming forever na talaga ang marriage nila at hindi matulad sa ilang taga-showbiz na nauuwi sa hiwalayan ‘pag tumatagal.

♥♥♥

Ivana, ayaw paawat kahit magho-holy week na, todo-buyangyang ng katawan sa socmed

Ilang araw na lang ay Holy Week na. At dahil sa matinding pinagdaraanan natin ngayon bunsod ng Coronavirus Disease, inaasahang mas magiging malakas ang panalangin at pananampalataya ng lahat sa ating Panginoon.

Pero kahit papalapit na ang Mahal na Araw, binulabog ng sexy star na si Ivana Alawi ang Instagram dahil sa super sexy pose nito sa kanyang ipinost na picture.

Habang nakaupo sa bed, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ni Ivana sa suot na white tops na bagama’t long sleeves ay boobs lang ang tinakpan at labas na labas ang kanyang tiyan, na tinernuhan niya ng black bikini kung saan buong-ningning na nakalantad ang kanyang legs at pisngi ng kanyang wetpak.

Tulo-laway na naman ang mga millennial guys na nagpapantasya kay Ivana.

Pero ‘yung ilang conservative ay nag-comment na hindi man lang daw marunong mangilin si Ivana. Bakit daw ayaw magpaawat nito sa paglalantad ng katawan gayung magsa-santo-santo na?

Isa pa raw, panahon ng taggutom ngayon at lalo pang ginugutom ni Ivana ang kalalakihan sa kanyang mga sexy poses.

Hahaha! Jusko, simple lang ‘yan. Kung ayaw n’yong makita ang kaseksihan ni Ivana, eh, di ‘wag n’yo siyang i-follow!

♥♥♥

Kapamilya singers, nagsama-sama para makalikom ng perang ido-donate sa mga apektado ng COVID-19

Nagsanib-puwersa ang mga mang-aawit ng ABS-CBN para maghatid ng lakas at suporta sa awiting Ililigtas Ka Niya at inihahandog nila ang royalties na matatanggap sa recording ng kanta para sa programang Pantawid ng Pag-ibig.

Muling nagbigay si Gary Valenciano ng isang makabagbag-damdaming interpretasyon ng nabanggit na prayer song kasama ang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto, Ebe Dancel, Erik Santos, Iñigo Pascual, Janella Salvador, Jason Dy, Jaya, Jayda, Jay-R, Jed Madela, Jeremy G, Jessa Zaragoza, Jona, Juris, Kyla, Lani Misalucha, Lea Salonga, Marlo Mortel, Martin Nievera, Moira dela Torre, Morissette, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Toni Gonzaga, Yeng Constantino, Zephanie at ZsaZsa Padilla.

Hatid ng awitin ang mensahe na isantabi ang pag-aalala at takot sa panahon ng krisis at alalahanin ang pangako ng Panginoon na ililigtas Niya ang mga tao mula sa anumang mabigat na suliranin. Ito ay isinulat at ipinrodyus ni Jonathan Manalo sa ilalim ng Star Music.

Mapupunta naman ang kikitain nito—mula sa royalties ng online views at streams—sa programang Pantawid ng Pag-ibig na inilunsad ng ABS-CBN upang makalikom ng pondong pansuporta sa mga Pilipinong apektado ang kabuhayan dahil sa community quarantine.

Gagamitin ang pondo na naipon sa pagbili ng mga pagkain at iba pang basic necessities na siyang ipapaabot sa mga Kapamilya sa pamamagitan ng tulong ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Unang ipinalabas sa ASAP Natin ‘To noong Linggo ang music video ng Ililigtas Ka Niya na sinimulan ni Gary V. sa isang dasal.

Sa longest-running action drama series sa telebisyon na FPJ’s Ang Probinsyano naman unang napakinggan ang orihinal na bersiyon ng kanta. Hinirang din itong Best Inspirational Recording sa nakaraang Awit Awards.

Pakinggan ang Ililigtas Ka Niya sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang music video nito sa Star Music YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page