top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Horoscope | Abril 02, 2020 (Huwebes)


Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 2, 2020 (Huwebes): Ibahagi mo sa iyong mga kapwa ang ilan sa mga hawak mo. Ibabahagi naman sa iyo ng langit ang sobra sa sapat na mga biyaya para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyan mo ng pribilehiyo ang mahihina at walang kakayahan na maigiit ang gusto nila. Magpaubaya ka at makikita mo na pababayaan ka ng langit na yumaman nang todo. Masuwerteng kulay-beige.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang sarili mong kakayahan at magiging matapang ka. Kung ano ang kaya mong gawin, ‘yun ang dapat mong gawin. Huwag mong abusuhin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue.

GEMINI (May 21-June 20) - Tumulong ka kung puwede ka rin namang makatulong. Mahirap ang mga nagaganap, pero nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black.

CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang nadarama mong lungkot dahil wala kang magawa sa dinaranas ng malalapit sa buhay mo. Pansamantala lang naman ang nagaganap na paghihirap ng lahat. Masuwerteng kulay-violet.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka. Sa dami ng nagsisilapit sa iyo, walang katiyakan kung ano ang aabutin mo. Mas magandang isabuhay mo ang madalas na paglilinis ng mga kamay at katawan. Masuwerteng kulay-peach.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit may pag-aalala ka, ituloy mo ang laban mo. Ang mga nagtagumpay ay nakadama rin ng pagkabahala kung saan parang sila rin ay naduwag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magugulat ka dahil ang inaakala ng marami na magtatagal pa ang napakahirap na sitwasyon kung saan hindi makapagtrabaho ang marami ay isang maling akala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang sarili mong pamilya bago ang iba. Ito ay hindi isang makasariling ugali. Kapag tumulong ka sa kapwa, hindi ka na kakahan dahil iniisip mo ang iyong pamilya. Masuwerteng kulay-white.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon mo makikita ang kahalagahan ng may naiipon kahit pakonti-konti. Kaya sa mga susunod na araw, kapag gumanda na ang sitwasyon, muli mong isabuhay ang pag-iipon. Masuwerteng kulay-green.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Distansiya ang pinakamahalaga ngayon kaya dumistansiya ka muna sa mga tao, lalo na sa mahal mo sa buhay. Ang pag-iingat ay dapat isabuhay sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-yellow.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Ang inggit ay walang kinikilalang panahon, gayundin, ito ay sakit na mas malala kaysa sa kasalukuyang salot. Masuwerteng kulay-purple.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa hapag-kainan, ‘yun muna ang pagtiyagaan mo. Pagkatapos ng lahat, puwede kang kumain nang bongga kung saan sobrang sasaya ka. Masuwerteng kulay-pink.

![endif]--![endif]--

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page