top of page
Search
  • V. Reyes​

Hirit ng mga Cong., lockdown i-extend ng 1 buwan


Inirerekomenda ng dalawang kongresista ang pagpapalawig pa ng pinaiiral na Luzon-wide community quarantine, mula dalawang linggo hanggang isang buwan.

Para kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, mas makabubuting i-extend pa ng isang buwan ang lockdown para masigurong matutukoy na ang mga positibo o may sintomas ng COVID-19.

Nakababahala aniya kung tatapusin na sa Abril 14 ang enhanced community quarantine ngunit, kapag lalo pang sumirit ang bilang ng mga tinamaan ng virus ay saka muling magpapatupad ng lockdown.

Gayunman, sapat na kay House Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Salceda na palawigin ng dalawang linggo ang quarantine sa Luzon kaysa agad bawiin na makasasakit sa ekonomiya at posibleng bumalik sa wala ang pagsisikap na malabanan ang COVID-19.

Sa ngayon, dahil aniya sa lockdown ay nabawasan ang galaw ng mga tao na ang ibig sabihin ay nababawasan ang malilipatan ng virus.

Tinukoy na halimbawa ni Salceda ang Hubei na anim na linggong nag-shutdown habang ang Northern Italy ay nag-lockdown noong Marso 9 at wala pang tiyak na petsa ng pagbawi nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page