top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Earth Tiger, hirap mag-decide sa career pero matutulungan ng pamilya at kaibigan


Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong 2020 o Year of the Metal Rat.

Sa pagkakataong ito, ang tinatalakay natin ay ang magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Tiger ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay tatawaging Tiger personality.

May limang klase o uri ng Tigre, ayon sa taglay niyang elemento:

  1. Wood Tiger - silang mga isinilang noong 1914 at 1974

  2. Water Tiger - silang mga isinilang noong 1962 at 2022

  3. Metal Tiger - silang mga isinilang noong taong 1950 at 2010

  4. Earth Tiger - silang mga isinilang noong taong 1939 at 1998

  5. Fire Tiger - silang mga isinilang noong taong 1926 at 1986

Noong nakaraang mga araw, tinalakay natin ang kapalaran ng Wood Tiger, Water Tiger at Metal Tiger at ngayon naman, talakayin natin ang magiging sadlakang kapalaran ng mga Earth Tiger.

Sinasabing ngayong 2020, bagama’t, may mga kalituhan sa pagdedesisyon na magaganap, higit lalo sa career, sa bandang huli ang mga pagpapasya ay maitatama rin sa tulong ng mga kaibigan at mahal sa buhay. Kaya sa panahong ito na laganap ang Covid-19, habang nasa bahay lang, mas mainam na gumawa ng mga plano at hakbang para sa ikauunlad ng career at aspetong pangkabuhayan.

Sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, iminumungkahi rin na hindi dapat mawala ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at mahal sa buhay dahil ngayong 2020, tulad ng nasabi na, malaki ang maitutulong sa iyo ng iyong mga kaibigan, kapamilya at kamag-anak upang lalo ka pang magtamo ng suwerte at magagandang kapalaran.

Sa aspetong pangkabuhayan, sinasabi ring maraming mga suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahang darating dahil ang mga ito ay magkukubli sa problema at suliranin. Pero magugulat ka dahil ang mga problemang ito ang magiging blessings sa upang lalo pang gumanda at bumuti ang iyong buhay at career.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, higit na magiging makulay ang aspetong ito ng buhay mo. Bagama’t, akala mong magulo at hindi stable sa simula, pero pagkatapos ng Covid-19 sa buong mundo, kasabay nitong sasaya at magiging matagumpay din at masarap ang magiging karanasan mo sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Gayunman, may nakikita din sa iyong kapalaran na ang pakikipag-relasyong papasukin mo ay magkakaroon ng oposisyon o hindi pagsang-ayon sa ilang miyembro ng iyong pamilya, hayaan mo lang ‘yun dahil sa bandang huli, ang pagiging malaya mo pa rin ang mananaig kaya kahit akala nila ay mali ang pinasok mong relasyon, ikaw pa rin ang masusunod.

Sa kabila ng lahat, hindi ka naman dapat mag-rebelde sa iyong pamilya kahit bahagya silang kumokontra sa iyong mga plano at balak gawin dahil sa bandang huli, ang tunay at wagas mong kaligayahan ay makakamit mo sa tulong nila.

Ngayong 2020, pinag-iingat ka rin sa mga aksidente at wala sa plano na paglabas-labas ng bahay. Dagdag pa rito, ang iyong pisikal na kaanyuan ay sadyang mapang-akit at hindi mo lang alam, maraming humahanga at nagnanasa sa iyo nang palihim. Kaya naman ingatan mo rin ang iyong damdamin dahil maaaring mabola ka ng ilan o mapagsamantalahan ang iyong kabaitan.

Tandaang upang magtagumpay at maging maligaya ka ngayong Year of the Metal Rat, ang pagiging matalino o mahusay sa pagdedesisyon, pagiging maingat at hindi nagpapabigla-bigla, sa halip ay pinag-iisipan mo munang mabuti at pina-plano ang lahat ng iyong gagawin, tulad ng naipaliwanag na, higit na magiging maligaya ang anumang pakikipag-relasyon at pag-ibig na iyong papasukin at kasabay nito ang tuluy-tuloy na pagyabong at pag-unlad ng iyong career hanggang sa maabot mo ang pinakamatayog mong mga pangarap sa buhay na magsisimulang mangyari sa 2025 sa edad mong 27 pataas.

Itutuloy

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page