top of page
Search
  • Ka Ambo

DILG Sec. Eduardo Año, nagpositibo na rin sa COVID-19, nakupo!

Hindi malaman ng gobyerno kung paano magdedesisyon kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Tinamaan kasi ang mismong AFP chief at DILG secretary.

Sila mismo ay hindi nakaligtas kasi hindi talaga nila alam ang “esensiya” ng krisis!

◘◘◘

NAKAKAAWA ang mga health workers na namatay dahil sa COVID-19 dahil sa “kawalang alam” ng mga awtoridad sa tunay na larawan ng epidemya.

Ngayon, hindi natin sigurado kung ititigil ang lockdown o itutuloy?

◘◘◘

AYON sa positive COVID-19 patient na si Eduardo Ano, gusto niyang itigil na ang lockdown.

Dahil guguho ang ekonomiya!

◘◘◘

KAPAG nabangkarote ang ekonomiya, guguho ang gobyerno at magbubunsod ng walang patid na kaguluhan.

Praktikal!

◘◘◘

PERO, kung ang rekomendasyon naman ni DOH Secretary Francisco Duque ay paliwigin pa ang lockdown nang isang buwan.

Dumarami ang positibo sa virus at dumarami rin ang namamatay!

◘◘◘

MALINAW na walang tamang desisyon ang gobyerno.

Ibig sabihin, alisin o hindi alisin ang lockdown, grabe pa rin ang sitwasyon!

◘◘◘

SA Germany, nag-suicide ang isang miyembro ng gabinete—dahil hindi niya malubos maisip na guguho ang ekonomiya ng kanyang bansa na pinaglilingkuran.

Ayaw niyang makita na bangkarote ang gobyerno at pribadong sector!

◘◘◘

SA US naman, pinagagamit na ang lahat ng resources military kasama na ang warships.

Pero, sa isang warships, 200 miyembro nito ay natuklasang may COVID-19.

Ibig sabihin, ang naatasang tutulong ay carrier at biktima rin!

◘◘◘

NAKAHANDA ang US government na gumastos ng $2 trillion hanggang $6 trilliong kontra COVID-19.

Pero, kapos sila ng gamit at health workers.

Paano ‘yan?

◘◘◘

BUMABALIK na sa normal ang China at batay sa balita, bubuksan na ang mga negosyo.

Pero, pinaniniwalang “bluff” lang ito!

◘◘◘

SA Pilipinas, walang maayos na direksiyon at desisyon.

Nagsisimula nang maghuramentado ang mga nagugutom sa ilang barangay sa Quezon City.

Kapag ginaya sila ng ibang lungsod o bayan, ano ang dapat gawin ng Palasyo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page