top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano Reonico

Angelica, natauhan na, sising-sisi sa pag-eendorso noon kay P-Du30

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

‘Di raw tumutulong, wanted sa mga netizens…

RESBAK NI NADINE: ‘YUNG P275 BILYON ANG HANAPIN N’YO, ‘WAG AKO!

Trending agad si Nadine Lustre sa Twitter matapos siyang mag-post sa Instagram Stories tungkol sa mga kaganapan sa ating bansa sa gitna ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Umabot agad sa 32.4K tweets ang IG Stories ni Nadine after 36 minutes niyang ipinost ang

“Kahapon lang April Fools, pero bakit parang ilang weeks na tayong naglolokohan??!”

May ipinost din siyang… “COVID exposed the government for what it really is. The people need help, compassion (minus Koko) and transparency, not threats and lies.”

We all know naman na si Koko Pimentel ang tinutukoy ni Nadine, ‘di ba?

Sey tuloy ng mga fans and supporters ni Nadine: “Lustre has finally spoken up. Lagot kayo.

“Nadine Lustre’s political stance is loud and clear, to those who were asking. We, as fans, didn’t need for her to say this to know that she has always been with people through her endless efforts (for a lot of causes) but she still spoke up so pls. stop using her for clout.”

May buwelta rin si Nadine sa mga naghahanap sa kanya. Maraming netizens kasi ang patuloy na humahanga sa ilang celebrities katulad nina Angel Locsin, Bela Padilla at Maine Mendoza na nakapag-inspire sa iba pang artists na mag-donate sa mga nangangailangan.

Post pa nga ng isang netizen, “Nasaan na ‘yung President Na/dine Lu/stre n’yo? Walang political stance, oust her!”

Sey ni Nadine, “‘Yung P275 billion ang hanapin n’yo, ‘wag ako. ‘Kaloka. Makapaghalaman na nga.”

Nakakaloka naman talaga dahil kahit sino naman sa atin ay may magagawa kahit sa simpleng paraan para makatulong at hinding-hindi makakatulong ang paghahanap ng ambag ng iba.

***

PUMALAG si Angel Locsin matapos makatanggap ng “NBI invitation” si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa ginagawa nitong diskarte para matulungan ang mga constituents niyang higit na nangangailangan ngayong nahaharap ang bansa sa isang matinding krisis na dulot ng pandemiyang COVID-19.

Post ni Angel sa Twitter, “Hindi ako nagmamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko (Pimentel) ang dapat ipatawag at hindi si Vico.”

Pinagpiyestahan tuloy ng mga netizens ang naturang tweet ni Angel. Ilan sa mga reaksiyon ay…

“Tapang ni Angel! Feeling ko ‘pag mayor natin si Angel, baka sari-sari store ang relief goods! Walang mahirap na magugutom!”

“Nu’ng bata ako, ikaw ‘yung role model ko. Ngayon, sure ako na ikaw pa rin.”

“Hindi ko na rin maintindihan ‘yung gobyerno natin. Gusto ko silang intindihin, pero hindi ko na talaga maintindihan?”

Naisip lang namin, paano kikilos nang maayos ang mga mayors kung ganyan? Baka matakot sila kasi baka “ma-invite” rin sila ng NBI, ‘noh? Paki-explain, labyu! Char!

***

ANGELICA, NATAUHAN NA, SISING-SISI SA PAG-EENDORSO NOON KAY

P-DU30

Nag-viral kamakailan ang pandidiri ni Angel at paghingi ng sorry dahil sa pag-eendorso noon kay Sen. Koko Pimentel matapos ang isyu nito sa Makati Medical Center after malaman ng lahat na positibo siya sa COVID-19.

Pero hindi lang siya ang nagsisisi sa inendorsong pulitiko. Tweet ng maganda at kuwelang aktres na si Angelica Panganiban, “Wala silang mapag-initan. Si

Mayor Vico talaga? Kung sino pa ang may naitutulong at maayos na sistema, siya pa ang kakasuhan? HANEP! Eh, nasaan na ‘yung nagkalat ng virus sa

Makati Med? So far kasi, ‘yun pa lang ang nagagawa niya. Ikalat ang virus.

Mapapamura ka na lang pala talaga.”

Ito ay matapos makatanggap ng “invitation” from NBI si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Reply tuloy ng isang netizen kay Angge, “Nagising ka na ba sa pagka-hypnotized?” kalakip ng screenshot ng Instagram post noon ng Kapamilya actress na may mug na may naka-print na “Rody Duterte” at may caption na:

“Walang krimen, walang magnanakaw, walang kababuyan kung ang namumuno ng bansa natin ay hindi natatakot ayusin at linisin ang Pilipinas. Babae ako at ang pangulo ko ay si Duterte.”

Sey ni Angge sa netizen, “Yes. Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin n’yo ‘ko.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page