top of page
Search
  • BULGAR

Tanod todas sa 2 armado

Magundanao—Patay ang isang barangay tanod nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Gumagadong, Parang.

Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Teofilo Cainglez, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa barangay outpost ay nakita umano ni Cainglez ang dalawang lalaki at nang lapitan para sitahin ay biglang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima.

Dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page