top of page
Search
  • Govinda Jeremaya

Singkamas, kalasa ng patatas kaya mabenta sa mga bagets


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Gusto mo bang maging flawless ang byuti mo, why not eat singkamas?”

Sa panahong ito, ang singkamas ay isa sa mga pinakamabenta na prutas o halamang-ugat na paboritong nilalantakan o kainin ng mga tao.

Super crunchy at very juicy ang singkamas kaya kapag kumain ka ng isa, hindi puwedeng hindi mo ito sundan ng isa pa. Sabi ng iba, ang singkamas ay may lasa na pinaghalong patatas at peras.

Tiyak na magugustuhan ng tao, lalo ng mga bata ang lasa ng patatas dahil isa sa mga paborito ng mga kabataan ngayon ay potato chips, pero ang singkamas na kapag ginawang tulad ng potato chips ay nakakaadik din dahil ito ay maihahalintulad sa potato chips na sariwa at juicy.

Pero ang singkamas ay hindi lang para sa mga kabataan dahil ito ay inilalagay din lumpiang sariwa na pinakamasarap sa lahat ng klase ng lumpia.

Bagama’t, masarap ang singkamas, hindi lang sarap ang hatid nito sa mga tao dahil may mga sustansiya ring makukuha rito tulad ng mga sumusunod:

  • Calories - 49g

  • Carbs - 12g

  • Protein - 1g

  • Fat - .1g

  • Fiber - 6.4g

  • Vitamin C - 44% ng recommended daily intake (RDI)

  • Folate - 4% ng RDI

  • Iron - 4% ng RDI

  • Magnesium - 4% ng RDI

  • Potassium - 6% ng RDI

  • Manganese - 4% ng RDI

Bukod pa rito, ang singkamas ay mayroon ding Vitamins E at B6, thiamine, riboflavin, pantothenic acid, calcium, phosphorus, zinc at copper kaya hindi nakapagtataka na ang singkamas ay kabilang sa mga antioxidants na halamang-ugat. Gayundin, nakatutulong ito sa pagpapalakas ng puso. Ito ay may kakayahang pababain ang bad cholesterol sa katawan, lalo na sa liver o atay, gayundin, nagpapababa ito ng blood pressure.

Samantala, kayang-kaya ng singkamas na gawing healthy ang red blood cells. Panlaban din ito sa masasamang bakterya na nasa tiyan at bituka. Kaya ang singkamas din ay isang klase ng pagkain na humahadlang na magkaroon ng cancer sa digestive system ang tao.

Napakaraming benepisyo ang nakukuha sa singkamas kaya kumain kayo nito at masasabi ninyo na ang singkamas ay walang katulad.

Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page