top of page
Search
  • Ka Ambo

P-Digong, nagbantang ipakukulong ang mga magnanakaw ng pondo para sa mga naka-quarantine

Mahigit P200 bilyon ang inilaan ni P-Digong kontra COVID-19.

Naglalaway ang mga buwitre sa gobyerno!

◘◘◘

NAGBANTA si P-Digong na ikakalaboso ang magnanakaw ng pondo para sa mga naka-quarantine.

Dapat i-shoot-to-kill!

◘◘◘

LIKAS na korup ang burukrasya.

Dapat agad magbantay ang anti-graft and corrupt commission!

◘◘◘

MALABONG mabantayan nang maayos na paggastos ng pondo.

Maraming government official ang biglang yayaman!

◘◘◘

MAS mainam ay ibuhos ang badyet sa pamamakyaw ng testing kits at pagbili ng anti-flu medicine mula sa Japan.

Imbes na ibili ng food baskets, libreng testing kits at libreng gamot ang dapat ipamigay!

◘◘◘

WALANG linaw kung ititigil ang lockdown o palalawigin.

Kakarampot kasi ang testing kits!

◘◘◘

TULIRO ang mga tao sa New York at buong Amerika.

Nagpa-panic din ang buong Europa.

Pero, ang asya ay bumuwelo na sa pagrekober!

◘◘◘

KUNG tutulungan ng China ang Pilipinas ay mabilis din itong makarerekober.

Pero, walang linaw kung paano ito gagawin?

◘◘◘

MALABONG makasaklolo ang US at Europa sa Pilipinas dahil sila ay nasa ilalim ng “pandemonyo.”

Pero, ang numero-unong makatutulong sa Pilipinas ay ang mismong Pinoy—huwag kayong umalis sa inyong bahay.

‘Yan ang numero-unong tulong ninyo kontra virus!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page