top of page
Search
  • Lolet Abania​

Mt. Fuji, magagawang tabunan at iparalisa ang Tokyo


Tokyo – Tiyak na matatabunan ng makapal na abo ang buong capital ng Japan, sakali na isang major eruption ang mangyari sa Mount Fuji at maaari pang maparalisa ang transportation network ng mga tren at highways sa lugar ng halos tatlong oras, ayon sa Japanese government panel.

Ang panel, na nakatalaga sa Cabinet Office, ay nagpahayag na sa tantiya nila, kahit ilang minuto lamang na magbuga ng abo ang Mt. Fuji, imposibleng magserbisyo ang mga tren sa Tokyo ng 100km (60 miles) papuntang northeast at makabigay dito ng power lines.

Gayundin, ilang sentimentro lang ng ashes ang lumabas sa bunganga ng bulkan ay magdudulot ng pagbara sa filters ng power plant, dagdag pa rito ang kawalan ng visibility sa buong lugar.

Sa kalkulasyon ng panel, base sa nangyaring noon sa Mount Fuji, ang eruption ay tatagal ng dalawang linggo.

Naitala ang huling pagputok ng Mount Fuji 300 taon na ang nakalilipas, subalit ito ay aktibo hanggang ngayon at madalas na nararamdaman ang paglindol sa paligid nito.

“Measures need to be taken both for an emergency response and also recovery over the long term,” ayon kay Toshitsugu Fujii, professor emeritus ng Tokyo University at head ng panel. “Steps need to be taken now, waiting until there’s an eruption will be too late.”

Gayunman, sa siyam na major volcanic eruptions na naganap sa Japan mula pa noong 1977, pinakamatagal na senyales ng pagputok nito ay isang linggo, at karamihan ay oras lamang kapag nagbabala ng pagsabog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page